Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Bato (heolohiya)"

m
walang buod ng pagbabago
(Inayos at tinapos ang pagsalin sa lead section.)
m
[[File:Grand_Canyon.jpg|thumb|alt=Isang maliit na sulyap sa Grand Canyon.|Isang hiwa sa mga patong ng mga batong sedimentaryo (latak) ang Grand Canyon.]]
 
Ang '''bato''' ([[Wikang Ingles|Ingles]]: ''rock'' o ''stone'') ay isang masang buo (''solid mass'') na nabubuo nang natural, o di kaya;'y isang pinagsama-samang [[mineral]] o malamineral (''mineraloid''). Kinakategorya ang mga ito ayon sa mineral na meron sila, ang kanilang komposisyong kemikal at kung paano ang mga itong nabuo. Karaniwang kinakategorya ang mga bato sa tatlo: ang [[batong ignea]] o pinalamig (''igneous rocks''), [[batong metamorpiko]] o nagbago (''metamorphic rocks''), at mga [[batong sedimentaryo]] o latak (''sedimentary rocks'').
 
Nabubuo ang mga batong ignea kapag lumamig ang [[magma]] sa balat ng Daigdig, o di kaya kung lumamig ang lava sa kalupaan o sa ilalim ng dagat. Nabubuo naman ang mga batong metamorpiko kapag nabibigyan ang ibang mga bato ng matinding presyur at temperaturang nagiging dahilan ng kanilang pagbago - tulad kapag nagbanggaan ang mga platong kontinental sa isa't isa. Samantala, nabubuo naman ang mga batong sedimentaryo sa prosesong diagenesis (pagbabago sa paglipas ng panahon) o di kaya;y sa litipikasyon (pagiging mga batong buo) ng mga latak, na nabubuo naman dahil sa meteorisasyon (''weathering''), paglipat, o deposisyon (pagsama sa kalupaan).
2,435

edit