Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Orden (biyolohiya)"

→‎Kasaysayan: baybay inayos
(→‎Kasaysayan: baybay inayos)
 
==Kasaysayan==
Ang orden, bilang isang natatanging hanay sa pagtitipun-tipong pang-[[biyolohiya]] – na mayroong sarili niyang pangalan (na hindi lamang tinatawag na ''“mataas na sari”'' ([[wikang Ingles|Ingles]]: ''higher genus''; [[wikang Latin|Latin]]: ''genus summum''), ay unang ipinakilala ni [[Augustus Quirinus Rivinus]], isang [[Aleman]]g [[botaniko]], sa kaniyang mga pagpapangkat-pangkat ng mga [[halaman]] (mga sulatin na isinulat noong mga dekada ng [[1690]]). Tahasang ginamit ito ni [[Carolus Linnaeus]] sa kahatian ng lahat ng tatlong mga [[kaharian (biyolohiya)|kaharian]] sa Nature (Kalikasan) ng kaniyang akdang ''[[Systema Naturae]]'' (Paraang Likas, 1735, unang labas), na hinggil sa mga [[mineral]], halaman, at [[hayop]].
 
Sa mga lathalaing [[wikang Pranses|Pranses]]: mula sa ''Familles naturelles des plantes'' (Mga Likas na Pamilya ng mga Halaman, [[1764]]) ni [[Michel Adanson]] hanggang sa katapusan ng ika-19 na dantaon, ang salitang ''famille'' at ''familles'' (“pamilya” at “mga pamilya” sa wikang Pranses) ay ginamit bilang katumbas ng ''“ordo”'' ng Latin. Tahasang ginamit ang katumbas na ito sa ''[[Lois de la nomenclature botanique]]'' (Batas sa Pagpapangalang maka-Botanika, 1868) ni [[Alphonse Pyrame de Candolle|Alphonse De Candolle]], na naging ninunong-akda ng pangkasalukuyang ''[[International Code of Botanical Nomenclature|Kodigong Internasyunal sa Pagpapangalang Pang-Botanika]]''.
===Sa soolohiya===
 
Sa larangan ng [[zoology|soolohiya]], mas gamitin ang mga pamamaraang pang-orden na pinasimulan ni Linnaeus, na kung saan ang mga orden sa bahaging pang-soolohiya ng kaniyang ''Systema Naturae'' (Likas na Pamamaraan) ay tumutukoy sa mga grupong likas. Gamitin pa rin sa ngayon ang ilan sa mga pangalang pang-orden ni [[Linnaeaus]]Linnaeus, katulad ng [[Lepidoptera]] para sa orden ng mga [[moth|gamu-gamo]] at [[Butterfly|paru-paro]], o [[Diptera]] para naman sa mga [[Fly (insect)|langaw]], [[Mosquito|lamok]], ''[[midge (insect)|midge]]'', at ''[[gnat]])''.
 
==Mga talasanggunian==
166,389

edits