Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Kaugaliang Pilipino"

m
rvv
Tatak: Binago sa mobile Pagbabago sa web gamit mobile Reverted
m (rvv)
Tatak: Manual revert
Marunong [[pagbibiro|magbiro]] ang mga Pilipino sa kahit anong situwasyon. Kahit hindi angkop sa situwasyon ang pagbibiruan, sinasalamin nito ang pagiging maasahin at determinado ng mga Pilipino sa harap ng kahirapan. Ginagamit rin ang biro upang maiwasan ang hiya kapag napahiya o may nagawang nakakahiya o kinahihiyaan.
 
=== Pakikibagay sa sitwasyonhahahadogsitwasyon ===
Organiko at likas ang konsepto ng oras ng mga Pilipino, ginagawa nila ang mga bagay kapag nararamdaman nila na tamang-tama na ang panahon upang gawin iyon. Hindi sila nakatali sa mga mahigpit sa itinakda (''schedule''), at nakatuon sila sa kasalukuyan, hindi sa kinabukasan. Nakikibagay ang mga Pilipino sa kanyang situwasyon, kapag may oras para huminga, hihinga siya, at kung kailangan nang magtrabaho, magtatrabaho na siya. Hindi sila mag-aalala sa mga bagay na hindi pa nangyayari, dahil alam nila na kapag dumating na ang oras, makikibagay sila. Mabilis mag-isip ang mga Pilipino at magaling maghanap ng solusyon sa mga problema kahit hinaharap na nila ito.
 
=== Pananampalataya at relihiyonggfvchgnvldsrelihiyon ===
Napakahalaga sa mga Pilipino ang kanilang pananampalataya at relihiyon. Kristiyano ang mga 85% ng populasyon sa Pilipinas, at makikita at kahalagahan nitong relihiyon sa dami ng mga pista opisyal, sa siksikan sa mga [[simbahan]] tuwing Linggo, hilig ng mga Pilipino sa dasal at Novena, moralidad ng mga Pilipino, mga pista para sa imahe (katulad ng Sto. Nino at mga Santo), at mga malalang ritwal tuwing [[Semana Santa]].