Ika-5 dantaon: Pagkakaiba sa mga binago

walang buod ng pagbabago
(Bagong pahina: {{Centurybox|5}} thumb|300px|Ang Silangang Emisperyo sa dulo ng ika-5 dantaon AD. Ang '''ika-5 dantaon''' ay isang panahon mula 401 hanggang [|500]]...)
 
No edit summary
Ang '''ika-5 dantaon''' ay isang panahon mula [[401]] hanggang [|500]] ''[[Anno Domini]]'' (AD) o ''Common Era'' (CE) o Karaniwang Panahon sa [[kalendaryong Huliyano]]. in the [[Julian calendar]]. Bantog ang ika-5 siglo sa pagiging panahon ng migrasyon at kawalang-tatag ng politika sa buong [[Eurasya]].
 
Nakita nito ang pagbasak ng [[Kanlurang Imperyong Romano]], na natapos noong [[476]] AD. Napagharian ang [[imperyo]]ng ito ng mahihinang [[emperador]], na unti-unting natitipon ang totoong kapangyarihang pampolitika sa mga pinunong [[militar]]. Ipinahintulot ang panloob na kawalang-tatg ang isang hukbong [[Visigoth]] na umabot at nakawan ang Roma noong [[410]]. May muling oagbawi ang naganap noong sumunod na mga dekada, pero ang nakatanggap ang Kanlurang Imperyo ng isa pang seryosong dagok sa isang pangalawang banyagang pangkat, ang [[Vandals]], na inokupa ang [[Carthage]], ang kabisera ng isang labis na mahalagang lalawigan sa [[Aprika]]. Naunsiyami ang mga pagsubok sa muling pagkuha ng lalawigan ng pagsalakay ng mga [[Hun]] sa ilalim ni [[Attila]]. Pagkatapos ng pagkatalo ni Attila,<ref>Roberts, J: "History of the World.". Penguin, 1994. (sa Ingles)</ref> nagsanib puwersa ang parehong Silangan at Kanlurang mga imperyo para sa huling pag-atake sa Vandals sa Hilagang Aprika, ngunit kamangha-manghang kabiguan ang kampanyang ito.
 
Sa [[Tsina]], nagpatuloy ang panahon ng [[Labing-anim na Kaharian]]. Nakilala ito sa pagbuo at pagbagsak ng maliit na mga kahariang sumasailalim, na pinamumunuan ng nakikidigmang [[pangkat-etniko]]. Pagkatapos ng pagbagsak ng Dating Qin tungo sa dulo ng nakaraang siglo, muling napag-isa ang hilagang Tsina ng [[Hilagang Wei]] noong 439.Sa Kanlurang dinastiyang Jin, pinagsama ng estadistang Jin at heneral na si [[Emperador Wu mg Liu Song|Liu Yu]] ang kanyang kapangyariha at pinilit ang huling Emperador ng dinastiyang Jin, si [[Emperor Gong ng Jin]], na bumama sa kanya noong 420. Nilikha nito ang [[dinastiyang Liu Song|dinastiyang (Liu) Song]], na naging panimulang punto ng panahon na tinatawag bilang [[Hilaga at Katimugang mga dinastiya]].