Surah: Pagkakaiba sa mga binago

 
==Etimolohiya==
Ginagamit ang salitang ''surah'' noong panahon ni Muhammad bilang isang katawagan na nangangahulugang isang ''bahagi'' or isang pangkat ng mga talata ng Quran. Nakikita ito sa pamamagitan paglitaw ng salitang ''surah'' sa maraming dako ng Quran tulad sa talata 24:1: "Ang dakilang kabanatang (''surah'') ito ng Kabanal-banalan na Qur’ân ay Aming ipinahayag, at ipinag-utos Namin ang pagpapatupad ng batas nito, at ipinahayag Namin kalakip nito ang mga malilinaw na palatandaan; upang makaalaala kayo, O kayong mga mananampalataya." <sup><nowiki>[</nowiki>[https://archive.org/details/QuranTranslationinTagalogFilipinophilippinelanguage/01%20Title%20Arabic Quran 24:1]<nowiki>]</nowiki></sup> (tingnan rin ang mga kabanata 2:23, 9:64, 86, 124, 127, 10:38, at 47:20). Nabanggit din ito sa anyong maramihan sa Quran: "O sinasabi ba nila na mga walang pananampalataya na mga taga-Makkah:
'Katunayan, si Muhammad ay inimbento niya lamang itong Qur’ân?; Sabihin mo sa kanila: 'Kung ang pangyayari ay katulad ng inyong mga inaangkin, samakatuwid ay magpakita kayo ng sampung kabanata (''surah'') na tulad ng Dakilang Qur’ân na mula sa inyong mga inimbento, at tawagin ninyo ang sinuman na kaya ninyong tawagin mula sa lahat ng nilikha ng Allâh upang tumulong sa inyo sa pagsagawa nito, kung kayo ay totoo sa
inyong pag-aangkin'."<sup><nowiki>[</nowiki>[https://archive.org/details/QuranTranslationinTagalogFilipinophilippinelanguage/01%20Title%20Arabic Quran 11:13]<nowiki>]</nowiki></sup>
 
Noong 1938, iminungkahi ni Arthur Jeffery na hinango ang pangalan mula sa [[wikang Siriako|Siriakong]] na ''surṭā'' na nangangahulugang 'sulat'.<ref name=Jeff>{{cite book|last=Jeffery|first=Arthur|title=The foreign vocabulary of the Qur'ān|year=1938|publisher=Oriental Institute|location=Baroda, India|page=[https://archive.org/details/foreignvocabular030753mbp/page/n199 182]|url=https://archive.org/details/foreignvocabular030753mbp|access-date=Hulyo 11, 2019|language=en}}</ref>