Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Santo Domingo, Republikang Dominikano"

walang buod ng pagbabago
 
Itinatag ng mga [[Espanya|Kastila]] noong 1496, sa silangang pampang ng Ilog Ozama at nilpat ito pagkatapos ni Nicolás de Ovando noong 1502 sa kanlurang pampang ng ilog, ang lungsod ang pinakamatandang patuloy na nasasakupang panirahang Europeo sa [[mga Amerika]], at ang unang luklukan sa [[Imperyong Kastila|pamunuang kolonyal ng Espanya]] sa [[Bagong Mundo]]. Sa Santo Domingo matatagpuan ang unang [[pamantasan]], [[katedral]], kastilyo, at muog sa Bagong Mundo. Idineklera ang Sonang Kolonyal ng lungsod bilang [[Pandaigdigang Pamanang Pook]] ng [[UNESCO]].<ref>[https://whc.unesco.org/en/list/526 Colonial City of Santo Domingo – UNESCO World Heritage Centre] (sa Ingles)</ref><ref>[http://www.unesco.org/nac/geoportal.php?country=DO&language=S Comisiones Nacionales: UNESCO] (sa Ingles)</ref> Tinawag ang Santo Domingo bilang '''Ciudad Trujillo''' ({{IPA-es|sjuˈðað tɾuˈxiʝo}}), mula 1936 hanggang 1961, na ipinangalan ng diktador ng Republikang Dominikano na si Rafael Trujillo sa kanyang sarili. Pagkatapos ng pataksil na pagpatay sa kanya, ibinalik ang orihinal na pangalan ng lungsod.
 
Sentro ang Santo Domingo ng [[kalinangan]], politika, komersyo, pananalapi at industriya ng Republikang Dominikano, na may mga mahahalagang industriya ng bansa na narito sa lungsod na ito. Nagsisilbi din ang Santo Domingo bilang pangunahing [daungang-dagat ng bansa. Nasa bunganga ng Ilog Ozama ang [[daungan]] ng lungsod na tumatanggap ng malalaking sasakyang pandagat, at pinamamahalaan ng puwerto ang parehong madaming pasahero at pagkilos ng kargamento. Mataas ang temperatura sa buong taon, na may malamig na simoy sa panahon ng [[tag-niyebe]].
 
==Mga sangguian==