Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Ika-3 dantaon"

walang buod ng pagbabago
Ang '''ikatlong dantaon AD''' ay ang panahon mula [[201]] hanggang [[300]]. Sa panahong ito, nagkaroon ng krisis ang [[Imperyong Romano]], simula sa pagpaslang sa Romanong Emperador na si [[Severus Alexander]] noong 235, na pinabagsak ang imperyo sa isang panahon ng suliraning ekonomiko, barbarong pagsalakay, pag-aalsang pampolitika, digmaang sibil, at paghihiwalay ng Imperyong Romano sa Imperyong Galo sa kanluran at Imperyong Palmira sa silangan, na sama-samang binantaan na wasakin ang Imperyong Romano sa kabuuan, datapwa't ang muling pananakop ng tumiwalag na mga teritoryo ni Emperador [[Aurelian]]o at ang panahon ng pagpapatibay sa ilalim ni Emperador [[Diocleciano]] dahil sa administratibong pagpapalakas ng imperyo ay nagdulot ng katupasan ng krisis noong 284. Minarkahan ng krisis ang simula ng Huling [[Sinaunang kasaysayan|Sinaunang Panahon]].
 
Sa [[Persya]], pinalitan ng [[mga Parto|Imperyong Parto]] ang [[Imperyong Sasanida]] noong 224 pagkatapos talunin at patayin ni [[Ardashir I]] si Artabanus V noong Labanan ng Hormozdgan. Pinasuko ng mga Sasanida ang maraming kanlurang bahagi ng nanghihinang Imperyong Kushan.
 
Sa [[Tsina]], nagpatuloy ang kaguluhan na nagaganap simula pa noong 189 sa pagkatalo ni [[Cao Cao]] sa Labanan ng mga Pulang Talampas noong 208, na pinataas ang pagtapos sa pag-asa ng pag-iisa at pamunuan ang dibisyon ng Tsina sa tatlong pangunahing imperyo: [[Shu Han|Shu]], [[Silangang Wu|Wu]], and [[Cao Wei|Wei]], kolokyal na kilala bilang panahon ng [[Tatlong Kaharian]], na nagsimula noong 220 na may pormal na pagbitiw ni Emperador Xian ng Han, para ibigay sa anak ni Cao Cao, na si [[Cao Pi]], sa gayon, naitatag ang Wei, na nagpatuloy sa pananakop ng Shu noong 263, ngunit mapagkakaisa din sa kalaunan sa ilalim ng dinastiyang Jin, na pinamunuan ng angkan Sima, na aagawin ang Wei noong 266, at sakupin ang Wu noong 280.
Sa panahon din na ito sa Sub-sahariyanang Aprika, umabot ang pagpalawak ng Bantu sa [[Katimugang Aprika]].
 
Sa Amerika bag ang Kolumbiyano, nanghina ang kulturang Adena sa lambak ng [[Ilog Ohio]] upang paboran ang kulturang Hopewell. Pumasok ang [[kabihasnang Maya]] sa Klasikong Panahon nito.
 
==Mga sanggunian==