Ika-2 dantaon: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
No edit summary
No edit summary
Linya 4:
Ang '''ikalawang dantaon''' ay isang panahon mula 101 hanggang [[200]] sang-ayon sa [[kalendaryong Huliyano]]. Tinuturing itong bahagi ng Klasikong panahon, kapanahunan, o makasaysayang panahon.
 
Noong unang bahagi ng siglo, natamo ng [[Imperyong Romano]] ang pinakamalaking pagpapalawak sa ilalim ni emperador [[Trajano]], ngunit pagkatapos ng kanyang kamatayan, naging depensibo ang imperyo sa natitirang panahon nito sa kasaysayan. Sa panahong ito nangyari ang karamihan sa kaunlaran ng imperyo, na pinamunuan ng Limang Mabubuting Emperador, ang sunod-sunod na mga pinuno na tinatanggap ng mabuti at may kakayahan. Nakita rin sa panahon na ito ang pagtanggal ng mga [[Hudyo]] mula sa [[Jerusalem]] noong paghahari ngni [[Hadrian|Adriano]] pagkatapos ng paghihimasik ni
Bar Kokhba. Noong huling sangkapat ng dantaon, nakita ang katupasan ng panahon ng kapayapaan at kaunlaran na kilala bilang [[Pax Romana]] noong pagkamatay ni emperador [[Marco Aurelio]], ang huli sa Limang "Mabubuting Emperador,", at ang pag-akyat ni [[Commodus]]. Pagkatapos na paslangin si Commodus noong 192, sumunod ang isang magulong panahonna kilala bilang Taon ng Limang Emperador, na, pagkatapos ng magkasunod na pagtanggal kina [[Pertinax]] at [[Didio Julianio]] mula sa kapangyarihan, nilaban ng heneral na naging emperador na si [[Septimio Severo]], tagpagtatag ng dinastiyang Severano, ang mga kalabang umaangkin sa anyo ni [[Pescenio Niger]], na tinalo ang kanyang puwersa sa Labanan ng Issus noong 194, at [[Clodio Albino]], na natalo sa Labanan ng Lugdunum noong 197, na nagbigay sa kanya ng tanging awtoridad sa buong imperyo.