Ika-2 dantaon: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
No edit summary
No edit summary
Linya 5:
 
Noong unang bahagi ng siglo, natamo ng [[Imperyong Romano]] ang pinakamalaking pagpapalawak sa ilalim ni emperador [[Trajano]], ngunit pagkatapos ng kanyang kamatayan, naging depensibo ang imperyo sa natitirang panahon nito sa kasaysayan. Sa panahong ito nangyari ang karamihan sa kaunlaran ng imperyo, na pinamunuan ng Limang Mabubuting Emperador, ang sunod-sunod na mga pinuno na tinatanggap ng mabuti at may kakayahan. Nakita rin sa panahon na ito ang pagtanggal ng mga [[Hudyo]] mula sa [[Jerusalem]] noong paghahari ni [[Hadrian|Adriano]] pagkatapos ng paghihimasik ni
Bar Kokhba. Noong huling sangkapat ng dantaon, nakita ang katupasan ng panahon ng kapayapaan at kaunlaran na kilala bilang [[Pax Romana]] noong pagkamatay ni emperador [[Marco Aurélio|Marco Aurelio]], ang huli sa Limang "Mabubuting Emperador,", at ang pag-akyat ni [[Commodus]]. Pagkatapos na paslangin si Commodus noong 192, sumunod ang isang magulong panahonna kilala bilang Taon ng Limang Emperador, na, pagkatapos ng magkasunod na pagtanggal kina [[Pertinax]] at [[Didio Julianio]] mula sa kapangyarihan, nilaban ng heneral na naging emperador na si [[Septimio Severo]], tagpagtatag ng dinastiyang Severano, ang mga kalabang umaangkin sa anyo ni [[Pescenio Niger]], na tinalo ang kanyang puwersa sa Labanan ng Issus noong 194, at [[Clodio Albino]], na natalo sa Labanan ng Lugdunum noong 197, na nagbigay sa kanya ng tanging awtoridad sa buong imperyo.
 
Bagaman matatag na nasemento sa kapangyarihan ang [[Dinastiyang Han]] ng [[Tsina]] at napalawak nito ang kanyang imperyal na impluwensiya sa [[Gitnang Asya]] noong unang kalahati ng dantaon, noong ikalawang kalahati, lumaganap ang korupsyon at bukas na paghihimagsik. Sinimulan nito ang hinantungang paghina, at noong Setyembre 189, ang heneral na Han na si [[Dong Zhuo]], pagkatapos ipatawag sa kabisera ni [[He Jin]] upang tulungang sugpuin ang nasusuhulan at makapangyarihang pangkat ng [[bating]] sa pamamagitan ng pagsisilbi bilang isang mananakot sa pareho sa kanila at ang Emperatris Dowager, ay minartsa ang kanyang hukbo sa [[Luoyang]] kaugnay sa pagkakapaslang kay He Jin at ang kasunod na pagpatay sa mga bating, na inokupahan ang kabisera at epektibo na naging ''[[de facto]]'' na pinuno ng pamahalaan, bagaman, mabilis na kinuha ng mga pinuno ng militar at opisyal ng pamahalaan mula sa kanya sa isang kampanya, na habang bigo na patumbahin siya, pinilit si Dong Zhuo na ilipat ang luklukan ng imperyal na kapangyarihan sa lalong malayong kanluran sa [[Chang'an]]. Nang namatay si Dong Zhuo noong 192, nagpatuloy ang gulo sa kabila ng pagbasak ng sentralisadong awtoridad, na iba't ibang pinuong militar na sinubok na maging kataas-taasang kapangyarihan upang maitatag o hawakan sa kanilang awtoridad ang nabubulok na imperyo. Samantala, ang mga dating tagasunod ni Dong Zhuo na sina [[Li Jue (dinastiyang Han)|Li Jue]] at [[Guo Si]] ay naiwan upang makipagbangayan sa kanilang mga sarili, habang tumakas ang emperador sa kalaunan, ngunit daglian pagkatapos nito, noong 196, binigyan siya ng kanlungan ng pinunong militar na si [[Cao Cao]], na inilipat siy sa bagong kabiserang lungsod ng [[Xuchang|Xu]], kung saan makokontrol ni Cao Cao ang emperador. Patuloy na pinilit ni Cao Cao ang kanyang awtoridad sa pamamagitan ng pagtalo sa makapangyarihang pinuno ng militar na si warlord [[Yuan Shao]] sa Labanan ng Guandu noong 200.