Imperyong Timurida: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
No edit summary
No edit summary
Linya 3:
Itinatag ang imperyo ni [[Timur]] (kilala din Tamerlane), isang ''warlord'' o pinuno ng militar na may lahing Turko-Mongol, na itinatag ang imperyo sa pagitan ng 1370 at kanyang kamatayan noong 1405. Nakita niya ang sarili bilang dakilang tagapagpanumbalik ng [[Imperyong Mongol]] ni [[Genghis Khan]], na pinapahalagaan ang sarili bilang tagapagmana ni Genghis, at labis na inugnay sa Borjigin. Nagpatuloy si Timur ng masiglang ugnayan sa kalakalan sa [[dinastiyang Ming]] ng [[Tsina]] at ang Ginuntuang Horda, kasama ang mga diplomatikong Tsino tulad nina Ma Huan at Chen Cheng na regular na naglalakbay tungong kanluran sa [[Samarkand]] upang kolektahin ang tributo at magbenta ng mga produkto, na pinapagpatuloy ang tradisyon ng imperyong Mongol. Napunta ang imperyo sa Renasimiyentong Timurida, partikular noong paghahari ng astronomo at matematikong si Ulugh Begh.
 
Noong 1467, nawala sa namamayaning [[dinastiyang Timurida]], o mga Timurida, ang karamihan ng Persya sa konpederasyong Aq Qoyunlu. Subalit nagpatuloy ang mga kasapi ng dinastiyang Timurida sa paghahari sa mas maliit na mga estado, na kilala minsang bilang '''mga emiratong Timurida''', sa Gitnang Asya at ilang bahagi ng Indya. Noong [[ika-16 na dantaon]], sinalakay ni Babur, isang prisipeng Timurida mula sa Ferghan (makabagong [[Uzbekistan]]), ang Kabulistan (makabagong [[Afghanistan]]) at itinatag ang isang maliit na kaharian doon. Pagkaraan ng dalawampung taon, ginamit niya ang kaharian bilang isang paraan upang masalakay ang Indya at maitatag ang Imperyong Mughal.
 
==Kasaysayan==