Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Imperyong Romano"

m
walang buod ng pagbabago
Tatak: Binago sa mobile Pagbabago sa web gamit mobile
m
Si [[Augustus Caesar|Octavian]], na apo sa pamangkin ni Julius Caesar, at tagapagmana sa politika, ay natuto sa kamaliang ginawa ng nagpamana at hindi gumamit ng kinatatakutang titulong diktador. Sa halip, maingat na itinago niya ang kanyang kapangyarihan sa ilalim pormang republikano. Ginawa niya ito upang maipakita kunyari ang pagbabalik ng Republika. Nagtamo siya ng maraming titulo tulad ng '''Augustus''' – “ang iniluklok”, ang Princeps – na isinasaling bilang “unang mamamayan ng republikang Romano” o ang “pangulo ng Senadong Romano”. Ang huli ay iginagawad sa mga nakapaglingkod nang mabuti sa bansa. Si [[Pompey]] ay ginawaran din ng titulong ito.
 
Dagdag pa rito, si Augusto Cesar (na ng lumaon ay ipinangalan sa kanya) ay ginawaran ng karapatang magsuot ng Koronang Sibiko ng laurel at roble (oak). Gayunpaman, walang titulo o Koronang Sibiko na nagdaragdag sa kapayarihan ni Augusto. Isa lamang siyang marangal ng mamamayang Romano na may hawak ng pagkakonsulado. Naging ''Pontifex Maximus'' si Augusto matapos mamatay si [[Lepido|Marcus Aemilius Lepidus]] noong 13 BC. Nang lumaon, kapangyarihan lamang ang kailangan niya at hindi ang mga titulo.
[[Talaksan:Castro Battle of Actium.jpg|left|thumb|181px|''Ang Labanan sa Actium'' ni Lorenzo A. Castro, 1672.]]