Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Imperyong Romano"

m
m (→‎Octavian: Kawing)
Nang umupo si Octavio bilang puno ng mundong Romano, ginawaran siya ng Senadong Romano ng pangalang Augusto. Inangkin rin niya ang titulong ''imperator'' “ulong komandante” bilang pangalan. Ito ay isang kataga noon pang panahon ng Republika at nang lumaon ay uminog sa katagang emperador.
 
Bilang ampong tagapagmana ni Cesar, ginusto ni Augusto na tawagin rin siya sa pangalang ito. Bahagi raw ang Cesar sa apelyido niya. Ang [[Dinastiyang Julio-Claudio|pamumuno ng Julio-Claudio]] ay tumagal nang may isang siglo (mula kay Julio Cesar noong gitna ng siglo 1 BC hanggang kay [[Emperador Nero]] noong gitna ng unang siglo AD). Noong dumating ang Dinastiya ni Flavio, ang reino ni Vespasiano at ng dalawa niyang anak na si Tito at Domiciano, uminog ang katagang Cesar mula bilang isang apelyido, ''Im facto'' hanggang maging isang pormal na titulo. Matutunghayan pa rin magpahanggang sa kasalukuyan ang mga hinalaw na titulo mula rito (tulad ng czar at kaiser).
 
Ang bilang ng lehiyong Romano, na sumukdol sa halos 50 dulot sa mga giyera sibil, ay bumaba sa 28. Marami rito ang binuwag lalo kung saan hindi tanto ang katapatan,. Ang ibang lehiyon ay pinagsama tulad ng ipinahihiwatig ng titulong Gemina (Kambal). Nagbuo rin si Augusto ng siyam na espesyal ng cohorts na maliwanag na ginawa upang mapanatili ang kapayapaan sa Italia at kung saan mga tatlo rito ay naka-himpil sa Roma. Ang mga cohorts na ito ay tinawag ng Guardyang Praetoria.
Hinati ni Octavio sa pagitan niya at sa Senado ang pamamahala ng mga lalawigan. Ang mga hindi masupil ng lalawigan sa mga hanggahan kung saan nakahimpil ang kalakhan ng sandatahang pandigma ay nasa ilalim ng mga legadong imperyal na pinili ng mismong emperador. Tinawag ang mga probinsiyang ito na probinsiyang imperyal. Ang mga gobernador ng mga mapayapang probinsiyang senatorial ay pinili ng Senado. Mapayapa ang mga probinsiyang ito na nangangailan lamang isang lehiyon tulad ng lalawigan ng Africa.
 
Sa pagsubok napagsanggalang ang paligid ng imperyo sa mga ilog ng Danube at Elbe, iniutos ni Octavio na lusubin ang Illyria, Moesia, at Pannonia (timog ng Danube), at Germania (kanluran ng Elbe). Noong una, ang lahat ay ayon sa plano ngunit disastre ang sumunod. Ang mga tribo ng Illyrio ay nagsipag-alsa na kailangang lupigin. Ang tatlong sandatahang liga sa ilalim ni ''Publius Quinctilius Varus'' ay tinambangan at nilupig sa Labanan sa Kagubatan ng Teutoburgo noong 9 AD ng mga barbarong Aleman sa pamumuno ni Arminius. Maingat na binantayan ni Augusto ang buong teritoryo nito sa kanluran ng Rhine at nakuntento na lamang siyang gumanti sa pamamagitan ng panloloob. Ang ilog ng Rhine at Danube ang naging permanenteng hanggahan ng imperyong Romano sa timog.
 
== Prinsipado at Dominado ==
 
9,810

edit