Panggagahasa: Pagkakaiba sa mga binago

Kawing
(Kawing)
Kapag bahagi ng isang laganap at sistematikong kasanayan sa panahon ng pandaigdigang hindi pagkakasundo, ang panggagahasa at seksuwal na pang-aalipin ay kinikilala bilang krimen laban sa sangkatauhan at krimeng pandigmaan. Ang panggagahasa ay kinikilala rin bilang isang elemento ng <i>genocide</i> kapag ginawa ito na may layuning sirain, sa kabuuan o sa bahagi, ang isang pangkat etniko.<br>
<br>
Ang mga taong ginahasa ay maaaring malubhang matroma at magdusa mula sa <i>[[posttraumatic stress disorder]]</i>; bilang karagdagan sa sikolohikal na pinsala. Ang panggagahasa ay maaring maging sanhi ng pisikal na pinsala at karagdagang resulta, tulad ng sakit na nakukuha sa pagtatalik, o pagbubuntis. Higit pa rito, pagkatapos mangyari ang panggagahasa, maaaring harapin ng karahasan o pagbabanta ang biktima mula sa nanggahasa, at, sa ilang kultura, mula sa pamilya at mga kamag-anak ng biktima.
<ref name=JETE/>
 
12,030

edit