Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Brazil"

Kawing
(Kawing)
Ang opisyal na wika ng Brasil ay Portuges (Artikulo 13 ng Saligang Batas ng Republikang Pederal ng Brasil), kung saan halos buong populasyon ay nagsasalita nito at masasabing tanging wikang ginagamit sa mga pahayagan, radyo, telebisyon, at mga gawaing pangkalakan at pampamahalaan. Ang pinakasikat na kataliwasan dito ay ang matatag na batas ng wikang pasenyas na ipinasa ng Pambansang Kapulungan ng Brasil. Opisyal na kinilala ng batas noong 2002, ipinatupad ang batas noong 2005. Ipinag-uutos ng batas ang paggamit ng Wikang Pasenyas ng Brazil (''Brazilian Sign Language''), na mas kilala sa daglat na Portuges nito na LIBRAS, sa edukasyon at serbisyong pampamahalaan. Dapat ituro ang wika bilang bahagi ng edukasyon at kurikulum sa patolohiya ng pagsasalita at wika. Ang mga guro ng LIBRAS, mga nagtuturo at mga nagsasaling-wika nito ay mga kinikilalang propesyunal. Dapat naaabot ng mga taong may kapansanan sa pandinig ang mga serbisyong pampaaralan at pangkalusugan.
 
Nagkaroon ng sariling pag-unlad ang Brasilenyong Portuges, gaya ng naganap noong ika-16 na dantaon sa mga Gitna at Katimugang [[diyalekto]] ng Europeong Portuges (sa kabila ng napakalaking bilang ng mga nanahang mananakop na Portuges, at mga baguhang migrante, na nagmula sa mga Hilagang rehiyon, at sa maliit na bahagdan, sa Portuges na Macaronesia), na may impluwensiya mula sa mga wikang Amerindo at Aprikano, partikular ang Kanlurang Aprikano at Bantu. Bunga nito, ang wika ay naging iba kahit papaano, kadalasan sa ponolohiya, mula sa wika ng Portugal at iba pang mga bansang nagsasalita ng wikang Portuges (ang mga diyalekto ng ibang bansa, bahagi nito'y dahil katatapos lamang ng kolonyalismong Portuges sa mga rehiyong ito, ay higit na malapit sa modernong Europeong Portuges). Ang mga pagkakaibang ito'y maihahalintulad sa kung paano nagkaiba ang Ingles Amerikano at Ingles Britanya.
 
Ang Brasil ang natatanging bansa sa kontinenteng Amerika na nagsasalita ng wikang Portuges, na nagbigay-pagpapahalaga sa wika bilang importanteng bahagi ng pambansang pagkakakilanlan ng Brasil, at nagbigay din ng pambansang pagkakaiba sa kultura mula roon sa mga kapitbahayang bansa nitong nagsasalita ng wikang Kastila.
11,181

edit