Wikang Aleman: Pagkakaiba sa mga pagbabago

Kawing
m (Kawing)
(Kawing)
 
Ang '''wikang Aleman''' ay kasapi ng sangay [[Pamilya ng mga wikang Hermaniko|Hermaniko]] ng napakalawak na pamilya ng wikang tinatawag na [[Pamilya ng mga wikang Indo-Europeo|Indo-Europeo]]. Ang kalipunan ng mga wikang ito ay matatagpuang ginagamit sa [[Europa]] at malaking bahagi ng [[Asya]]. Kabilang dito ang mga salita sa [[Indiya]], [[Iran]], [[Tajikistan]], at [[Afghanistan]] at sa kanluran at hilagang Europa. Ang Aleman ay malapit na kamag-anak ng [[Wikang Yiddish|Yiddish]], [[Wikang Ingles|Ingles]], [[Wikang Olandes|Olandes]], [[Wikang Suweko|Suweko]], [[Wikang Noruwego|Noruwego]], at [[Wikang Danes|Danes]].
Ang Aleman ay ginagamit sa [[Alemanya]], [[Austria]], bahagi ng [[Unggarya]], bahagi ng [[Republikang Tseko]], [[Liechtenstein]] at sa hilagang [[Suwisa]]. Ito ay may mga [[diyalekto]] rin na kinabibilangan ng Hessisch, Schwäbisch, Thüringisch, atbp.
 
Ang Yiddish, bagaman nagsimula bilang isang halo ng mga dyalektong Hochdeutsch, ay itinuturing ngayon bilang hiwalay na wika dahil sa paggamit nito ng mga standard na naiiba sa Aleman. Ang Yidish ay dinala ng mga [[Hudiyo]] sa iba’t ibang bahagi ng Europa nang sila ay pinaalis sa Alemanya noong [[ika-18 daantaon]] at mas maaga pa.
11,637

edit