Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Unang dantaon BC"

walang buod ng pagbabago
Ang '''unang dantaon [[Before Christ|BC]]''', kilala din bilang ang '''huling dantaon BC''', ay nagsimula noong unang araw ng [[100 BC|100 BC]] at nagtapos sa huling araw ng [[1 BC|1 BC]]. Hindi gumagamit ng [[Anno Domini|notasyong AD/BC]] ang [[0 (taon)|serong taon]]; bagaman, gumagamit ng isang sero ang pagbibilang ng pang-astronomiyang taon, gayon din ang isang simbulo ng [[pagbabawas]], kaya ang "''2 BC''" ay katumbas ng "''taon –1''". Sumunod ang [[unang dantaon|unang dantaon AD]] ([[Anno Domini]]).
 
Sa kurso ng siglo, binili ng tuloy-tuloy ang lahat ng natitirang mga malayang lupain sa [[Dagat Mediteranyo]] sa ilalim ng kontrol ng Romano, na pinamumunuan ng alinman sa direktang sumasailalim sa mga gobernador o sa pamamagitan ng mga papet ng mga hari na hinirang ng [[Roma]]. Nabaon sa digmaang sibil ang estadong Romano mismo ng maraming beses, na nagresulta sa wakawakas sa marginalisasyon ng 500-taong-gulang na [[Republikang Romano]], at ang sagisag ng kabuuang kapangyarihan ng estado sa iisang tao-—ang [[Emperador ng Roma|Romanong emperador]].
 
Nakikita ang panloob na kaguluhan na ginambala ang Roma ng mga panahon na tio bilang isang nasa bingit ng kamatayan para sa Romanong Republika, dahil nagbigay daan ito sa mga awtokratikong ambisyon ng mga makapangyarihang indibiduwal tulad ni [[Sila (Romanong heneral)|Sila]], [[Julio Cesar]], [[Marco Antonio]] at [[Cesar Augusto|Octavio]]. Tinuturing ang pag-akyat ni Octavio sa total na kapanyarihan bilang emperador [[Augusto]] bilang pagmarka ng punto sa kasaysayan kung saan natapos ang Republikang Romano at ang simula ng [[Imperyong Romano]]. Tinutukoy ng mga iskolar ang kaganapan na ito bilang ang Romanong Rebolusyon.