Virgilio: Pagkakaiba sa mga binago

walang buod ng pagbabago
m (Inilipat ni Jojit fb ang pahinang Virgil papunta sa Virgilio)
No edit summary
}}
 
Si '''Publius Vergilius Maro''' ([[Oktubre 15]], [[70 BKE]]–[[19 BKE]]), na mas kilalá bílang '''Virgil'''io o '''Vergil''', ay isang sinaunang makatang [[Sinaunang Roma|Romano]] ng Panahong Augustan. Tinatawag din siyang '''Virgilius''' o '''Vergilius'''. Kilalá siya dahil sa kaniyang tatlong pangunahing akda sa panitikang [[Wikang Latin|Latin]], ang ''[[Ecloga|Eclogues]]'' (o ''Buocolics)'', ang ''[[Georgica|Georgics]]'', at ang epikong ''[[Aeneis|Aeneid]]''. Maraming mga tula, ang mga tinipon sa ''Appendix Vergiliana'', ay inuugnay rin sa kaniya.
 
Siya ay isa sa mga pinakamahusay na makata ng Roma. Ang ''Aeneid'' niya ay itinuturing din bílang pambansang epiko ng sinaunang Roma mula sa panahon ng pagkatha hanggang sa kasalukuyang panahon. Ito ay minodelo mula sa [[Illiad|''Illiad'']] at [[Odyssey|''Odyssey'']] ni Homer, ang ''Aeneid'' ay tungkol sa isang Troyanong tumakas na si Aeneas habang sinisikap niyang tuparin ang kaniyang kapalaran at makarating sa baybayin ng Italya—sa mitolohiyang Romano, ang ''founding act'' ng Roma. Ang mga akda ni Virgil ay lumaganap at nakaimpluwensiya sa panitikang Kanluranin, lalo na sa [[Divine Comedy]] ni Dante, kung saan si Virgil ang gumabay kay Dante sa kaniyang paglalakbay sa [[Inferno (Divine Comedy)|impiyerno]] at [[Purgatorio (Divine Comedy)|purgatoryo]].