Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Ika-4 na dantaon BC"

walang buod ng pagbabago
Minarkahan ng siglong ito ang rurok ng Klasikong [[kabihasnan]]g [[Griyego]] sa lahat ng aspeto. Sa pagdating ng 400 BC, kumalat ng malayo at malawak ang Griyegong [[pilosopiya]], [[sining]], [[panitikan]] at [[arkitektura]], na may maraming malayang kolonyang Griyego na umusbong sa mga lupain ng silangang [[Mediteranyo]].
 
Masasabing ang pinakamahalagang serye ng mga pangyayaring pampulitika sa panahong ito ay ang mga pananakop ni [[Alejandrong Dakila|Alejandro]], na nagdulot sa pagguho ng dating mahirap talunin na [[Imperyong Persa]] at kumalat ang kulturang Griyego sa malayong silangan. Pinangarap ni Alejandro ang pag-iisa ng silangan at kanluran, subalit natapos ang kanyang maikling buhay noong in 323 BC, sumubsob ang kanyang napakalaking [[imperyo]]] sa digmaang sibil habang ang kanyang mga heneral ay kanya-kanyang nagtayo ng kanilang sariling kaharian. Sa gayon, nagsimula ang panahong Hellenistiko, isang panahon na kinikilala sa pamamagitan ng isang ganap pagtingin sa pamumuno, kasama ang pagkuha ng mga Griyegong hari sa mga patibong sa paggiging pinuno at pagtatayo ng mga haliling namamana. Habang umiiral pa rin ang isang antas ng [[demokrasya]] sa ilan sa natitirang mga lungsod ng [[Gresya]], na maraming iskolar ang nakikita ang panahon na ito bilang pagmamarka sa pagtatapos sa klasikong Gresya.
 
Sa [[Indya]], naitatag ang [[Imperyong Maurya]] noong 322 BC ni Chandragupta Maurya na mabilis na pinalawak ang kanyang kapangyarihan tungong kanluran sa ibayo ng gitna at kanlurang [[Indya]], na kinuha ang pakinabang ng pagkagambala ng kapangyarihang lokal sa kalagayan ng pag-atras ng mga hukbo ni Alejandro.