Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Ika-8 dantaon BC"

walang buod ng pagbabago
{{Centurybox|-8}}
Nagsimula ang '''ika-8 dantaon BC''' noong unang araw ng [[800 BC]] at natapos noong huling araw ng [[701 BC]]. Isang panahon ang ika-8 dantaon BC ng malaking pagbabago para sa ilang mahahalagang makasaysayang [[kabihasnan]]. Sa [[Ehipto]], ang ika-23 at ika-24 na mga dinastiya ay nanguna upang mamuno mula sa [[Nubia]] sa ika-25 dinastiya. Naabot ang rurok ng kapangyarihan ng [[Imperyong Neo-Asiryo]], na sinakop ang [[Kaharian ng Israel]], gayon din ang mga katabing mga bansa.
 
Naging [[Magna Graecia|kolonya]] ng [[Sinaunang Gresya|Greece]] ang mga rehiyon ng [[Dagat Mediteranyo]] at [[Dagat Itim]]. Naitatag ang [[Roma]] noong [[753 BC]], at lumawak ang kabihasnang [[Etrusko]] sa [[Italya]]. Kombensyunal na kinuha ang ika-8 dantaon bilang ang simula ng [[Sinaunang panahon|Sinaunang Panahon]], kasama ang unang [[Olimpiyada]] na tinakda noong 776 BC, at ang mga [[epiko]] ni [[Homer]] ay nilagyan ng petsa sa pagitan ng 750 at 650 BC.