Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Paganismo"

walang buod ng pagbabago
(→‎Tingnan din: Added content)
Tatak: Binago sa mobile Pagbabago sa web gamit mobile
 
Ang salitang ''pagano'' ay isang paghango ng [[Kristiyano]] mula sa "[[hentil]]" ng [[Hudaismo]], at bilang ganito, mayroon itong kalakip na pagkiling na Abrahamiko, at mga pahiwatig o konotasyong nagpapasama, nagpapalala, o nagpapababa ng antas, kapag nasa piling o inihahambing ng mga [[monoteista]]ng Kanluranin,<ref>"''Pagan''", ''Encyclopedia Britannica'', ika-11 edisyon, 1911, nakuha noong 22 Mayo 2007.[http://encyclopedia.jrank.org/ORC_PAI/PAGAN_Lat_paganus_of_or_belongi.html]</ref> na maihahambing sa "hindi-binyagan", taong itinuturing na lapastangan sa relihiyon, o taong nalalabuan ng paniniwala, o kaya "hindi sibilisado" (''heathen'' sa Ingles),<ref name=Gaboy/> at [[impiyel]] o taong walang pinaniniwalaang relihiyon o walang relihiyon (katulad ng taong hindi naniniwala sa [[Kristiyanismo]] o [[Islam]]; Ingles: ''[[infidel]]''<ref name=Gaboy/> na kilala rin bilang ''[[kafir]]'' (كافر) at ''[[mushrik]]'' sa Islam. Sa kadahilanang ito, iniiwasan ng mga [[etnolohista]] (o [[etnologo]]) ang salitang "paganismo," dahil sa kawalan ng katiyakan at sari-saring mga kahulugan, sa pagtukoy sa mga pananalig na tradisyonal o makasaysayan, kaya't mas ninanais ang mas tumpak na mga kaurian o kategoryang katulad ng [[politeismo]], [[shamanismo]], [[pantheism|panteismo]], o [[animismo]]; subalit may ibang mga dalubhasang hindi sumasang-ayon sa ganitong mga katawagan dahil, ayon sa kanila, mga aspeto lamang ang mga ito na pinagsasaluhan ng iba't ibang mga pananampalataya at hindi nagpapahiwatig sa mga mismong relihiyon.
 
Magmula noong hulihan ng ika-20 daang taon, naging malawakan ang paggamit ng ''pagano'' o ''paganismo'' bilang pansariling katawagang ginagamit na mga sumusunod sa [[neopaganismo]].<ref>[http://www.bbc.co.uk/dna/h2g2/classic/A1032166 "''A Basic Introduction to Paganism''"], BBC, nakuha noong 19 Mayo 2007.</ref> Bilang ganito, sari-saring makabagong mga iskolar o dalubhasa ang nagsimulang gamitin ang salita sa tatlong magkakahiwalay na mga kapangkatan ng mga pananampalataya: sa [[politeismong historikal]] (katulad ng [[politeismong Keltiko|politeismong Seltiko]]), [[relihiyong-bayan|pambayan]]/[[relihiyong etniko|etniko]]/[[relihiyong indihena|indihena]] o [[relihiyong katutubo|katutubo]] (katulad ng [[Intsik na relihiyong-bayan|relihiyong-pambayang Intsik]] at [[Aprikanong tradisyonal na relihiyon]]), at neopaganismo (katulad ng ''[[Wicca]]'' at [[Hermanikong neopaganismo]]).
 
==Tingnan din==