Pikachu: Pagkakaiba sa mga pagbabago

walang buod ng pagbabago
No edit summary
Tatak: Binago sa mobile Pagbabago sa web gamit mobile
No edit summary
Tatak: Binago sa mobile Pagbabago sa web gamit mobile
Si '''Pikachu''' ([[Wikang Hapones|Hapones]]: ピカチュウ) ay isa sa mga piksiyonal na nilalang ng [[Pokémon]] mula sa prangkisa ng Pokémon—isang koleksiyon ng mga video games, anime, manga, aklat, trading cards at iba pa na ginawa ni [[Satoshi Tajiri]]. Tulad ng lahat ng mga Pokémon, si Pikachu ay nakikipaglaban sa ibang mga Pokémon sa mga laban na sentral na tema ng mga anime, manga at video games ng Pokémon. Si Pikachu ang pinakakilalang Pokémon marahil dahil sa pagiging bida nito sa anime ng Pokémon. Si Pikachu ang pinakapopular na Pokémon, ang opisyal na mascot ng prangkisa ng Pokémon, at ang naging simbulo ng kulturang [[Hapon]] sa mga nakalipas na taon.
 
Sa piksiyonal na mundo ng Pokémon, madalas makita si Pikachu sa mga bahay, gubat, kapatagan, at kung minsan ay sa mga bundok, isla, at mga pinagmumulan ng kuryente (tulad ng mga power plant). Bilang isang “Electric-type” na Pokémon, nakapag-iimbak ito ng [[kuryente]] sa kanyang mga pisngi at inilalabas ito sa mga atakeng base sa kidlat.