Pag-init ng daigdig: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
Glennznl (usapan | ambag)
mNo edit summary
Glennznl (usapan | ambag)
mNo edit summary
Linya 66:
Paksa ng mainit na kontrobersiya ang lawak at katunayan na mga mangyayari. Ang listahan ng mga posibleng epekto at pag-unawa ay matatagpuan sa report ng IPCC Working Group II [24]. Ilang siyentipiko ang naniniwala na ang pag-init ng mundo ay magdudulot ng kamatayan at sakit sa mundo mula sa pagbaha, pagkasira ng paligid, lubhang init at iba pang matinding mga pagbabago sa panahon.
 
=== Epekto sa Sistema ng Paligid ===
Ang ebidensiya ng pag-init ng mundo tulad ng pag-konti ng niyebe (snow), pagtaas ng pantay laot, pagbabago ng panahon ay nagpapakita ng kahihinatnan na aapekto sa galaw ng tao gayundin sa sistema ng ating kapaligiran. Ang pag-init ng mundo ay nangangahulugan ng pagbabago sa ating paligid. May ilang halaman at hayop ang mapipilitang lumikas sa kanilang likas ng tahanan o kaya’y maglaho dahil sa pagbabagong nangyayari. Ang ibang may buhay naman ay maaring dumami.
 
=== Dulot sa mga bundok ng yelo (glaciers) ===
''Global Glacial Mass-Balance nang huling 40 taon na iniulat sa WGMS at NSIDC. Tingnan ang negatibong pagtaas na direksiyon sa simula ng dakong huli ng 1980 na nagpapabilis at nagpaparami sa pag-urong ng bundoking yelo (glaciers) (Dyurgerov)''
 
Linya 75:
Ang isang kabaha-bahala ay ang potensiyal na paghinto ng tunaw ng yelo (tubig daloy) ng Hindu Kush at Himalaya. Ang tunaw ng mga glacier nito ay nagdudulot ng malaki at maasahang mapagkukunan ng tubig para sa Tsina, India at halos buong Asya. Ito ang pangunahing mapagkukunan rin ng tubig sa panahon ng tag-araw. Ang pagbilis ng pagkatunaw nito ay magdudulot ng malakas ng pagdaloy ng tubig sa maraming dekada at pagkatapos nito “ang ilang lugar na may pinakamaraming tao sa mundo” ay tinatayang ‘mauubusan ng tubig’ " (T. P. Barnett, J. C. Adam and D. P. Lettenmaier 2005) [27]
 
=== Destabilisasyon ng pag-usad ng dagat ===
May ilang espekulasyon ng pag-init ng mundo, sa pamamagitan ng paghinto o pagbagal ng thermohaline circulation (sirkulasyong dulot ng init-alat ng dagat) ay magsisimula ng lokal na pag-lamig sa Hilagang Atlantiko na magdudulot sa paglamig o mahinang pag-init sa rehiyong ito. Lubhang maaapektohan rito ang Scandinavia at Britanya ay iniinitan ng North Atlantic drift.
 
=== Mga Nagsilikas sa Pagbabago ng Kapaligiran ===
Kahit na ang maliit na pagtaas (pantay laot) ng dagat ay magdudulot ng pagkawala ng matitirhan sa mga pasigan na magdudulot ng problema sa mga lumikas. Kapag ang pantay laot ay tumaas ng mahigit na 4 metro, halos lahat ng pasigang lunsod sa mundo ay maapektuhan na may malaking epekto sa pandaigdigan kalakalan at ekonomya. Sa kasalukuyan, tinataya ng IPCC na ang dagat ay tataas ng mababa sa isang metro sa pagdating ng 2100. Kanila ring inabiso na ang pag-init ng mundo sa panahong iyon ay magdudulot rin ng hindi na mababaliktad na pagbabago sa sistemang glasyal ng mundo na sa kalaunan ay magtutunaw ng sapat na yelo na magpapataas sa dagat ng maraming metro pa sa loob ng susunod na milenya. Tinatayang halos 200 milyong tao ang maapektuhan sa pagtaas ng pantay laot lalo na Vietnam, Bangladesh, Tsina, India, Thailand, Pilipinas, Indonesya at Ehipto.
 
Ang isang halimbawa ng kalagayan ng mga lumikas dahil sa kapaligiran ay ang paglikas mula sa pulo ng Tuvalu na kung saan ang katihan ay may katamtamang taas ng halos isang metro lang sa pantay laot. Ang Tuvalu ay mayroong ng kasunduang ad hoc sa New Zealand na tumaggap ng mga lumikas [28] at marami ng residente nito ang umaalis sa pulo. Gayunman, hindi malinaw kung malaki ang epekto ng pag-init ng mundo sa pagtaas ng dagat. Tinataya na ang dagat (pantay laot) ay tumataas ng halos 1–2 mm/taon. Ang maikling panahong ito, may malaking epekto ito sa ENSO o pagkati/paglaki ng tubig. [29] [30] [31] [32]
 
=== Pagkalat ng Sakit ===
Maaring magpalaganap ang pag-init ng mundo sa mga hayop at kulisap ng nagdadala ng mga nakahahawang sakit tulad ng malarya, dilang asul na sakit mula ng mga kuto ng alagang daga na kamakailang ay kumalat sa rehiyon ng timog Mediterreno. Tumaas sa malawak na lugar sa Rusya ang impeksiyon mula sa hantavirus, Crimean-Congo hemorrhagic fever, tularemia at rabies nitong 2004-2005. Maisisi ito sa mabilis ng pagdami ng mga daga at hayop na kumakain nito gayundin ang pagbagsak o pagbaba sa program sa bakuna at pagkontrol sa mga daga [33] Kahit na nawala ang malarya sa mga templadong rehiyon sa mundo, ang mga lamok na nagkakalat nito ay hindi napuksa at nananatili sa ilang lugar. Kaya, kahit na mahalaga ang temperatura sa daynamiks ng pagkalat ng malarya, maraming bagay ang kasangkot sa pagkalat nito.
 
=== Epektong Pang-ekonomiko ===
Nagpalabas ang mga institusyong pinansiyal kasama ang dalawang pinakamalaking kompanya ng seguro sa mundo, ang Munich Re at Swiss Re, sa isang pag-aaral noong 2004 (UNEP summary) na “ang madalas na pagdalas ng mga malubhang pangyayaring pangkalikasan kaakibat ang takbong panlipunan” ay gugugol ng halos 150 bilyong dolyar bawat taon sa susunod na dekada. Ang mga gugoling ito sa pamamagitan ng pagtaas ng halaga sa seguro at pagtulong sa mga disastre ay mapapabigat sa mga kliyente, mambubuwis at industriya.
 
Linya 93:
Ipinalabas kamakailan ng United Nations' Environmental Program na ang mga grabeng panahon sa mundo ay nag-ulat na ang 2005 ang pinakamagastos na taon sa kasaysayan [36] kahit na walang paraan upang patunayan na [ang isang bagyo] ay sanhi o di sanhi ng pag-init ng mundo [36]. Unang taya na ipinakita ng pundasyong Aleman sa segurong Munich Re ay nagpapakita na mahigit 200 bilyong dolyar na ang talo ng mga nakaseguro na halos 70 bilyong dolyar.
 
=== Produksiyon ng biomass ===
Ang paglalang ng biomass ng halaman ay naiimpluwensiyahan ng mapagkukunan ng tubig, pagkain at carbon dioxide. Ang bahagi ng biomass ay ginagamit (ng tuwiran o di tuwiran) bilang pagkukunan ng lakas ng halos lahat ng mgay buhay kasama rin ang pagkain sa mga inaalagaang hayop, at bungangkahoy at pagkaing butil ng tao. Kasama rin dito ang mga batang ([[Filipino]]: ''troso'') na kailangan sa konstruksiyon.
 
Linya 104:
Itinataya ng NOAA na sa mga taong 2050, may 54% ng dami ng yelong dagat kumpara sa mga taong 1950.
 
=== Pagbukas ng Northwest Passage (Daang Pahilagang-kanluran) kung tag-araw. ===
Sinasabing ang pagkatunaw ng Arktikong yelo ay magbubukas sa Northwest Passage sa tag-araw ng darating na sampung taon. Ito ay magpapaikli ng 5,000 nautikong milya ng ruta ng barko sa pagitan ng Europa at Asya. Lalong mahalaga ito sa mga supertankers na napakalaki upang dumaas sa Kanal ng Panama at kasalukuyang dumaraan sa dulo ng Timog Amerika. Ayong sa Canadian Ice Service, ang dami ng yelo sa kupuluang Artiko sa silangang Canada ay bumababa ng 15% sa pagitan ng 1969 at 2004 [41]42.
 
Linya 155:
• Ozone depleting chemicals are also greenhouse gases, representing 0.34 ±0.03 W/m², or about 14% of the total radiative forcing from well-mixed greenhouse gases [56].
 
=== Kaugnayan sa pagdilim ng mundo ===
Ilang siyentipiko ang nagdadawit na ang epekto ng pagdilim ng mundo (dulot sa pagbaba ng liwanag ng araw ng umaabot sa balat ng planeta na maaring dulong ng mga aerosol) ay maaring kumukubli sa ilang epekto ng pag-init ng mundo. Kung totoo ito, ang di-tuwirang epekto ng aerosol ay mas malakas kaysa unang paniwala na magpapakita na ang sensitibidad sa klima sa greenhouse gases ay mas malakas. Ang pagkabahala sa epekto ng aerosol sa pagbabago sa klimang pangmundo ay unang sinaliksik bilang pagkabahala sa pandaigdigang paglamig noong mga taong 1970.
 
=== Ang pag-init bago dumating ang tao ===
Sinasabi ng ilang heologo na nakaranas ng pandaigdigang pag-init ang mundo noong kaagahan ang panahong Jurassic na kung saan ang katamtamang temperatura ay tumaas ng 5 °C. Ang pananaliksik ng Open University na inilathala sa Geology (32: 157–160, 2004 [57]) ay nagpapakita na nagdulot ito ng matinding pagaagnas ng bato ng may mahigit 400%. Ang pagaagnas ng bato ay nagtatago ng carbon bilang calcite at dolomite na mga mineral ng iba’t-ibang antas ng oksido ng carbon. Ang bunga nito ay ang pagbaba ng nibel ng carbon dioxide sa normal sa halos sumunod na 150000 taon.