Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Dekada 2000"

No change in size ,  9 months ago
walang buod ng pagbabago
Ang '''Dekada 2000s''' ay isang [[dekada]] sa [[kalendaryong Gregoryano]] na nagsimula noong Enero 1, 2000 at nagtapos noong Disyembre 31, 2009.
 
Nakita ng unang bahagi ng dekada ang matagal ng [[prediksyon]] ng tagumpay ng ekonomikong higanteng [[Tsina]], na nagkaroon ng doble-dihitong paglago ng halos ng buong dekada. Sa isang mas mababang lawak, nakinabang din ang [[Indya]] sa pagputok ng ekonomiya, na nakita ang dalawang pinakamataong bansa na unti-unting magingnaging dominanteng puwersang ekonomiko. Ang mabilis na paghabol ng mga umuusbong na ekonomiya sa mga maunlad na bansa ang nagbunsod ng ilang proteksyonistang tensyon noong panahon na ito at naging bahagiang responsable sa pagtaas ng enerhiya at [[presyo]] ng [[pagkain]] sa pagtatapos ng dekada. Namayani sa huling ikatlo ng dekada ang isang pandaigdigang ekonomikong pagbagsak, na nagsimula sa krisis sa pabahay at kredito sa [[Estados Unidos]] noong huling bahagi ng 2007 at nagdulot sa pagkabangkarota ng mga pangunahing [[bangko]] at ibang institusyong pananalapi. Naibunsod ng [[Pandaigdigang krisis sa pananalapi ng 2007-2008|pandaigdigang pananalaping krisi]] ang isang pandaigdigang resesyon, simula sa Estados Unidos at naapektuhan ang karamihan sa mga industriyalisadong mundo.
 
Nag-ambag ang paglago ng [[Internet]] sa [[globalisasyon]] sa panahon ng dekada, na pinahintulot ang mabilis na [[komunikasyon]] sa mga tao sa buong mundo;<ref>Ludden D (1998). [http://www.sas.upenn.edu/~dludden/global2.htm ''The newness of globalization: A schematic view of the historical zones of territoriality''] University of Pennsylvania. Di natapos na balangkas. Hinango noong Disyembre 30, 2009. {{webarchive|url=https://web.archive.org/web/20120331100833/http://www.sas.upenn.edu/~dludden/global2.htm|date=2012-03-31 }} (sa Ingles)</ref><ref>Gordon PH; Meunier S (2001). ''The French challenge: Adapting to globalization.'' Washington, D.C.: Brookings. (sa Ingles)</ref><ref>Heizo T; Ryokichi C (1998). [http://www.jcie.org/researchpdfs/DomAdjst/takenaka-chida.pdf "Japan"]. ''Domestic Adjustments to Globalization'' (CE Morrison & H Soesastro, Eds.). Tokyo: [[Japan Center for International Exchange]], pp. 76–102. Hinango noong Disyembre 30, 2009. (sa Ingles)</ref><ref>Fry EH (2003). [http://www.nlc.org/ASSETS/41DD6934C7C441F79C2281B9B61E696F/ipadaptingfrykit.pdf ''Local governments adapting to globalization'']. National League of Cities. Hinango noong Disyembre 30, 2009. {{webarchive|url=https://web.archive.org/web/20110105162126/http://www.nlc.org/ASSETS/41DD6934C7C441F79C2281B9B61E696F/ipadaptingfrykit.pdf|date=2011-01-05}} (sa Ingles)</ref><ref>{{cite journal|author=Haarstad H, Fløysand A|year=2007|title=Globalization and the power of rescaled narratives: A case of opposition to mining in Tambogrande, Peru|journal=Political Geography|volume=26|issue=3|pages=289–308|doi=10.1016/j.polgeo.2006.10.014|language=en}}</ref> Bumangon ang mga [[Social networking service|''social networking site'']] bilang isang bagong paraan upang kumonekta kahit saan man sila, hangga't may koneksyon sila sa internet. Kabilang sa mga unang mga ''social networking site'' ang [[Friendster]], Myspace, [[Facebook]], at [[Twitter]], na itinatag noong 2003, 2004, at 2006, ayon sa pagkakabanggit. Pinakapopular ang Myspace sa mga [[websayt]] na ''social networkin'' hanggang Hunyo 2009, nang nilagpasan ito ng Facebook sa mga Amerikanong tagagamit. Nagpatuloy ang [[e-mail]] na maging popular sa buong dekada at nagsimulang palitan ang "''snail mail''" o tradisyunal na koreo bilang isang pangunahing paraan ng pagpapadala ng liham at ibang mensahe sa malalayong lugar, bagman mayroon na ito noon pang 1971.