Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Dekada 2000"

walang buod ng pagbabago
Nag-ambag ang paglago ng [[Internet]] sa [[globalisasyon]] sa panahon ng dekada, na pinahintulot ang mabilis na [[komunikasyon]] sa mga tao sa buong mundo;<ref>Ludden D (1998). [http://www.sas.upenn.edu/~dludden/global2.htm ''The newness of globalization: A schematic view of the historical zones of territoriality''] University of Pennsylvania. Di natapos na balangkas. Hinango noong Disyembre 30, 2009. {{webarchive|url=https://web.archive.org/web/20120331100833/http://www.sas.upenn.edu/~dludden/global2.htm|date=2012-03-31 }} (sa Ingles)</ref><ref>Gordon PH; Meunier S (2001). ''The French challenge: Adapting to globalization.'' Washington, D.C.: Brookings. (sa Ingles)</ref><ref>Heizo T; Ryokichi C (1998). [http://www.jcie.org/researchpdfs/DomAdjst/takenaka-chida.pdf "Japan"]. ''Domestic Adjustments to Globalization'' (CE Morrison & H Soesastro, Eds.). Tokyo: Japan Center for International Exchange, pp. 76–102. Hinango noong Disyembre 30, 2009. (sa Ingles)</ref><ref>Fry EH (2003). [http://www.nlc.org/ASSETS/41DD6934C7C441F79C2281B9B61E696F/ipadaptingfrykit.pdf ''Local governments adapting to globalization'']. National League of Cities. Hinango noong Disyembre 30, 2009. {{webarchive|url=https://web.archive.org/web/20110105162126/http://www.nlc.org/ASSETS/41DD6934C7C441F79C2281B9B61E696F/ipadaptingfrykit.pdf|date=2011-01-05}} (sa Ingles)</ref><ref>{{cite journal|author=Haarstad H, Fløysand A|year=2007|title=Globalization and the power of rescaled narratives: A case of opposition to mining in Tambogrande, Peru|journal=Political Geography|volume=26|issue=3|pages=289–308|doi=10.1016/j.polgeo.2006.10.014|language=en}}</ref> Bumangon ang mga [[Social networking service|''social networking site'']] bilang isang bagong paraan upang kumonekta kahit saan man dako ng daigdig, hangga't may koneksyon sila sa internet. Kabilang sa mga unang mga ''social networking site'' ang [[Friendster]], Myspace, [[Facebook]], at [[Twitter]], na itinatag noong 2003, 2004, at 2006, ayon sa pagkakabanggit. Pinakapopular ang Myspace sa mga [[websayt]] na ''social networking'' hanggang Hunyo 2009, nang nilagpasan ito ng Facebook sa mga Amerikanong tagagamit. Nagpatuloy ang [[e-mail]] na maging popular sa buong dekada at nagsimulang palitan ang "''snail mail''" o tradisyunal na koreo bilang isang pangunahing paraan ng pagpapadala ng liham at ibang mensahe sa malalayong lugar, bagman mayroon na ito noon pang 1971.
 
Nagsimula ang [[Digmaang Laban sa Terorismo]] at Digmaan sa Afghanistan pagkatapos ng [[mga pag-atake noong Setyembre 11]] ng 2001. Nabuo ang Internasyunal na Korteng Kriminal noong 2002. Noong 2003, sinalakay ng koalisyong pinangunahan ng Estados Unidos ang [[Iraq]], at dinulot ng Digmaang Iraq ang katapusan ng pamumuno ni [[Saddam Hussein]] bilang Pangulo ng [[Iraq]] at ng Partidong Ba'ath sa Iraq. Nagsagawa ang [[Al-Qaeda]] at apilyadong [[Islamism|Islamistang]] militanteng grupo ng mga teroristang gawa sa buong dekada. Natapos noong Hulyo 2003 ang IkalaangIkalawang Digmaang Congo, ang pinakanakamamatay na labanan mula pa noong [[Ikalawang Digmaang Pandaigdig]].
==Mga sanggunian==
{{reflist}}