Jose R. Velasco: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
m orthography: -nsya- > -nsiya-, replaced: siyensya → siyensiya, removed stub tag, added orphan tag using AWB
Glennznl (usapan | ambag)
Kawing
Linya 26:
Kasalukuyan siyang nagtratrabaho sa UPCA nang siya ay maipadala sa [[University of California]] sa [[Berkeley]] para sa lalo pang pag-aaral (''Doctor of Philosophy in Plant Physiology'') na natapos niya ng tatlong taon lamang, (1946-1949). Iba't ibang mahahalagang posisyon ang hinawakan ni Dr. Velasco sa UPCA ''research professor, director of instruction, chairman of the Department of Botany'', at ''editor ng Philippine Agriculturist'' (ang ''scientific journal'' ng kolehiyo). Ipinagpatuloy pa niya ang pagtuturo sa ''Diliman campus'' ng UP bago niya tinanggap ang pagiging Komisyoner ng ''National Institute of Science and Technology'' (NIST), taong 1967. Ang isa sa pinakamahalagang kontribusyon ni Dr. Velasco sa siyensiya ay ang kanyang pag-aaral sa paraan ng paglaki ng halaman at ang iba't ibang gawain ng bawat bahagi nito. Pinag-aralan niya ang epekto ng liwanag sa halamang palay (''photoperiodism''). Ayon sa kanyang pag-aaral, ang ''Elonelon'' na uri ng palay ay mas namumulaklak tuwing mas maikli ang pagsikat ng araw (kulang sa 12 oras). Sa kasawiang palad, hindi ito nailathala bago pa naidokumento ng mga Amerikano at Europeans ang kanilang parehong pananaliksik.
 
Isa pa sa kanyang maipagmamalaki ay ang pagkakadiskubre niya sa mapamuksang Cadang-cadang, ang kilalang isa sa pinakapesteng mamamatay ng punong niyog. Ang Cadang-cadang ay isang klase ng peste kung saan ang dahon ng punong niyog ay nagsisimulang magkapatse-patse ng kulay dilaw na kung titingnan sa liwanag ng araw ay tila binabad sa tubig. Lumalaki ang mga pesteng ito hanggang lumiit at lumutong ang mga dahon. Dahil dito, hindi na gaanong makapamulaklak ang puno at hindi na makabuo ng niyog. Untiunting nauubos ang mga dahon, hanggang tuluyan na itong mamatay. Inakala ng marami na ang Cadang-cadang ay dala o sanhi ng isang uri ng ''virus'' o ''bacteria''. Matiyaga niyang pinatunayan na mali ito. Ayon sa kanya, ang Cadang-cadang ay sanhi ng lupang may lason o ''toxic'' para sa punong niyog-isang abnormal na kondisyon ng lupa. Maraming pag-aaral na ng tungkol sa pareho ring problema ang nagsabing, ang sanhi nito ay ''virus'', kakulangan ng nutrisyon o mababang klase ng lupa, ''physical stress, microorganisms'', mahinang [[patubig]], o maaaring ''parasites'' sa mga ugat ng puno. Ngunit hindi kontento si Dr. Velasquez hanggang hindi niya natitiyak. Pinagpatuloy niya ang kanyang pananaliksik at nananatili ang kanyang paniniwala na ang Cadang-cadang ay sanhi ng kakulangan ng isang mineral sa lupa, o may isang elemento, katulad ng ''aluminum'' o ''strontium'' sa lupang pinagkakataniman nito.
 
Ilan sa mga pagkilalang naibigay kay Dr. Velasquez ay