Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Altruismo"

Inihalintulad sa enwiki (Hindi pa tapos ang pagsasalinwika).
(added Category:Moralidad using HotCat)
(Inihalintulad sa enwiki (Hindi pa tapos ang pagsasalinwika).)
Ang '''altruismo''' ay ang [[Moralidad|prinsipyo]] at [[Katapangan|moral na kaugalian]] hinggil sa malasakit para sa [[kaligayahan]] ng mga ibang [[tao]] o ibang hayop, na nagreresulta sa [[Quality of life|kalidad ng buhay]] na [[Material|materyal]] at [[Espiritwalidad|espirituwal]]. Isa itong tradisyonal na [[Virtue|birtud]] sa maraming kultura at pangunahing aspeto ng ilang relihiyosong paniniwala at sekular na pananaw sa mundo, ngunit nagkakaiba ang konsepto ng "kapwa" na dapat pagtuunan ng pagmamalasakit sa mga kultura at rehiliyon. Sa isang matinding kaso, maaaring maging magkasingkahulugan ang altruismo at pagiging di-makasarili, na salungat sa [[pagkamakasarili]].
 
Inilikha ang salitang "altruismo" ng pilosopong Pranses na si [[Auguste Comte]] sa wikang Pranses, ''{{Lang|fr|altruisme''}}, bilang [[Antonym|kabaligtaran]] ng [[pagkamakasarili]].<ref>{{cite web|title=altruism (n .)|url=http://www.etymonline.com/index.php?term=altruism|work=Online Etymology Dictionary|publisher=Douglas Harper|access-date=Setyembre 19, 2014}}</ref><ref>{{cite book|last1=Teske|first1=Nathan|title=Political Activists in America: The Identity Construction Model of Political Participation|date=2009|publisher=Pennsylvania State University Press|location=University Park, Pa.|isbn=9780271035468|page=101|url=https://books.google.com/books?id=7B38I2UEPa0C&dq|language=en|trans-title=Mga Aktibista sa Politika sa Amerika: Ang Modelo ng Pagkakagawa ng Pagkakakilanlan ng Pakikilahok sa Politika}}</ref> Hinango niya ito mula sa ''{{Lang|it|altrui}}'' sa Italyano, na nakuha naman mula sa ''{{Lang|la|alteri}}'' sa Latin, na nangangahulugang "[[Alterity|kapwa]]" o "ibang tao".<ref>{{cite book|last1=Ciciloni|first1=Ferdinando|title=A Grammar of the Italian Language|date=1825|publisher=John Murray|location=London|page=[https://archive.org/details/agrammaritalian00cicigoog/page/n81 64]|url=https://archive.org/details/agrammaritalian00cicigoog|trans-title=Balarila ng Wikang Italyano|language=en}}</ref>
 
Ang altruismo sa mga obserbasyong [[Biyolohiya|biyolohikal]] sa mga populasyon sa larangan ay isang indibidwal na kumikilos kung saan may pinaggagastusan o may nasasakripisyo (hal. kasiyahan at kalidad ng buhay, oras, probabilidad na makaligtas o magparami), ngunit nagpapapakinabang, direkta man o hindi, sa iba pang indibidwal, nang walang inaasahang katumbas o kabayaran para sa kilos na iyon. Inimumungkahi ni Steinberg ang isang depinisyon para sa altruismo sa klinikal na larangan, na "mga sinasadya at kusang-loob na kilos na may layuning mapahusay ang kapakanan ng isa pang tao sa kawalan ng anumang {{Lang|en|[[quid pro quo]]}} na gantimpalang panlabas".<ref>{{Cite journal|title=Altruism in medicine: its definition, nature, and dilemmas|last=Steinberg|first=David|date=2010|journal=Cambridge Quarterly of Healthcare Ethics|volume=19|issue=2|pages=249–57|doi=10.1017/s0963180109990521|pmid=20226108|language=en|trans-title=Altruismo sa medisina: ang kahulugan, katangian, at mga suliranin nito}}</ref> Sa isang diwa, ang kabaligtaran ng altruismo ay [[poot]] ({{Lang|en|spite}}); ang mapoot na kilos ay nakapipinsala sa iba nang walang pakinabang sa sarili.
 
== Talasanggunian ==
3,627

edit