Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Altruismo"

Inihalintulad sa enwiki (Hindi pa tapos ang pagsasalinwika).
(Inihalintulad sa enwiki (Hindi pa tapos ang pagsasalinwika).)
(Inihalintulad sa enwiki (Hindi pa tapos ang pagsasalinwika).)
 
[[Talaksan:Belisaire_demandant_l'aumone_Jacques-Louis_David.jpg|thumb|Ang pagbibigay ng [[Alms|limos]] sa mahihirap ay kadalasang itinuturing bilang isang altruistikong kilos.]]
 
Ang '''altruismo''' ay ang [[Moralidad|prinsipyo]] at [[Katapangan|moral na kaugalian]] hinggil sa malasakit para sa [[kaligayahan]] ng mga ibang [[tao]] o ibang hayop, na nagreresulta sa [[Quality of life|kalidad ng buhay]] na [[Material|materyal]] at [[Espiritwalidad|espirituwal]]. Isa itong tradisyonal na [[Virtue|birtud]] sa maraming kultura at pangunahing aspeto ng ilang relihiyosong paniniwala at sekular na pananaw sa mundo, ngunit nagkakaiba ang konsepto ng "kapwa" na dapat pagtuunan ng pagmamalasakit sa mga kultura at rehiliyonrelihiyon. Sa isang matinding kaso, maaaring maging magkasingkahulugan ang altruismo at pagiging di-makasarili, na salungat sa [[pagkamakasarili]].
 
Inilikha ang salitang "altruismo" ng pilosopong Pranses na si [[Auguste Comte]] sa wikang Pranses, {{Lang|fr|altruisme}}, bilang [[Antonym|kabaligtaran]] ng [[pagkamakasarili]].<ref>{{cite web|title=altruism (n .)|url=http://www.etymonline.com/index.php?term=altruism|work=Online Etymology Dictionary|publisher=Douglas Harper|access-date=Setyembre 19, 2014}}</ref><ref>{{cite book|last1=Teske|first1=Nathan|title=Political Activists in America: The Identity Construction Model of Political Participation|date=2009|publisher=Pennsylvania State University Press|location=University Park, Pa.|isbn=9780271035468|page=101|url=https://books.google.com/books?id=7B38I2UEPa0C&dq|language=en|trans-title=Mga Aktibista sa Politika sa Amerika: Ang Modelo ng Pagkakagawa ng Pagkakakilanlan ng Pakikilahok sa Politika}}</ref> Hinango niya ito mula sa ''{{Lang|it|altrui}}'' sa Italyano, na nakuha naman mula sa ''{{Lang|la|alteri}}'' sa Latin, na nangangahulugang "[[Alterity|kapwa]]" o "ibang tao".<ref>{{cite book|last1=Ciciloni|first1=Ferdinando|title=A Grammar of the Italian Language|date=1825|publisher=John Murray|location=London|page=[https://archive.org/details/agrammaritalian00cicigoog/page/n81 64]|url=https://archive.org/details/agrammaritalian00cicigoog|trans-title=Balarila ng Wikang Italyano|language=en}}</ref>
 
Ang altruismo sa mga obserbasyong [[Biyolohiya|biyolohikal]] sa mga populasyon sa larangan ay isang indibidwal na kumikilos kung saan may pinaggagastusan o may nasasakripisyo (hal. kasiyahan at kalidad ng buhay, oras, probabilidad na makaligtas o magparami), ngunit nagpapapakinabang, direkta man o hindi, sa iba pang indibidwal, nang walang inaasahang katumbas o kabayaran para sa kilos na iyon. Inimumungkahi ni Steinberg ang isang depinisyon para sa altruismo sa klinikal na larangan, na "mga sinasadya at kusang-loob na kilos na may layuning mapahusay ang kapakanan ng isa pang tao sa kawalan ng anumang {{Lang|en|[[quid pro quo]]}} na gantimpalang panlabas".<ref>{{Cite journal|title=Altruism in medicine: its definition, nature, and dilemmas|last=Steinberg|first=David|date=2010|journal=Cambridge Quarterly of Healthcare Ethics|volume=19|issue=2|pages=249–57|doi=10.1017/s0963180109990521|pmid=20226108|language=en|trans-title=Altruismo sa medisina: ang kahulugan, katangian, at mga suliranin nito}}</ref> Sa isang diwa, ang kabaligtaran ng altruismo ay [[poot]] ({{Lang|en|spite}}); ang mapoot na kilos ay nakapipinsala sa iba nang walang pakinabang sa sarili.
 
Nagkakaiba ang altruismo mula sa mga damdamin ng [[katapatan]], anupat habang ang huling nabanggit ay nakasalalay sa mga kaugnayang panlipunan, hindi ikinokonsidera ng altruismo ang mga relasyon. Maraming debate ang umiiral sa kung baga posible ang altruismong ''"tunay"'' sa sikolohiya ng tao. Inimumungkahi ng teorya ng [[psychological egoism|egoismong sikolohikal]] na walang gawa ng pagbabahagi, pagtutulong o pagsasakripisyo ay mailalarawan bilang altruistiko talaga, dahil ang gumagawa ay maaaring makatanggap ng gantimpalang likas ({{Lang|en|intrinsic reward}}) sa anyo ng pansariling [[Pagkakuntento|kasiyahan]]. Nakadepende ang bisa ng argumentong ito kung kuwalipikado ang mga gantimpalang likas bilang mga "benepisyo".
 
Maaaring tumukoy rin ang salitang ''[[Altruismo (etika)|altruismo]]'' sa isang doktrina sa etika na nagsasabing ang mga indibidwal ay may moral na obligasyon na makinabang ang iba. Kapag ginamit sa diwang ito, kadalasan ito ay ipinakikitang naiiba sa [[Egoismong pang-etika|egoismo]], na nag-aangkin na ang mga indibidwal ay may moral na obligasyon na magsilbi muna sa kanilang sarili. Ang [[Effective altruism|altruismong epektibo]] ay ang paggamit ng ebidensya at katwiran upang malaman ang mga pinakaepektibong paraan para makinabang ang mga iba.
 
== Talasanggunian ==
3,627

edit