Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Republikang Romano"

Kinansela ang pagbabagong 1843422 ni 103.100.136.96 (Usapan)
(ang buong detalye)
(Kinansela ang pagbabagong 1843422 ni 103.100.136.96 (Usapan))
Tatak: Undo
}}
 
Ang '''Republikang Romano''' ({{lang-la|'''Res publica Romana'''}}) ay ang kapanahunan ng [[Sinaunang Roma|sinaunang Romanong kabihasnan]] na may Republikang uri ng pamahalaan. Nagsimula ang republika matapos ang pagbagsak ng [[Kahariang Romano]] noong 509 BK at nagtapos noong 27 BK sa pagtatatag ng [[Imperyong Romano]]. Sa panahon na ito lumawak ang kontrol ng Roma mula sa kapaligiran ng lungsod hanggang sa gahum ng buong Mediteraneong mundo.
Ang '''Republikang Romano''' ay naisakatuparan noong 509 BCE matapos na mapatalsik nila ang kanilang haring Etruscan.
 
Sa panahon ng unang dalawang siglo ng pag-iral nito, lumawak ang Republikang Romano sa pamamagitan ng kumbinasyon ng pananakop at pakikipag-alyansa, mula sa gitnang [[Italya]] hanggang sa buong tangway nito. Nang sumunod na siglo, nakabilang nito ang hilagang [[Aprika]], [[Espanya]], at ang ngayon ay timog [[Pransiya]]. Dalawang siglo matapos noon, sa bandang huli ng ika-1 siglo BK, nakabilang na ang natitirang bahagi ng modernong Pransiya, [[Gresya]], at karamihan ng silangang Mediteraneo. Sa panahon na ito, ang mga panloob na salungatan ay humantong sa isang serye ng mga digmaang sibil, umabot sa kasukdulan noong panahon ng pagpaslang kay [[Julio Cesar]], na humantong sa transisyon mula sa republika sa pagiging imperyo. Ang eksaktong petsa ng pagtransisyon ay bukas sa interpretasyon.
Maraming historyador ang nagpapahayag na ang pagtawid ni Julio Cesar ng Ilog ng Rubicon sa 49 BK, ang paghirang ni Cesar bilang diktador pang habang-buhay sa 44 BK, at ang pagkatalo ni [[Marcus Antonius|Mark Antony]] at [[Cleopatra VII ng Ehipto|Cleopatra]] sa Labanan ng Actium sa 31 BK. Gayunman, ang ginagamit ng karaniwan ay ang parehong petsa na ginamit ng mga sinaunang Romano, ang pagkaloob ng pambihirang kapangyarihan kay [[Octavian]] at ang kanyang paggamit ng titulong Augustus noong 27 BK bilang ang pagtukoy sa kaganapang nagtapos sa Republika.
 
Ang Romanong pamahalaan ay pinamunuan ng dalawang konsul, inihahalal taun-taon ng mga mamamayan at pinapayuhan ng isang senado na binubuo ng hinirang na mga mahistrado. Dahil napaka makaherarkiya ng Romanong lipunan sa modernong pamantayan, ang pagsulong ng pamahalaang Romano ay lubhang naiimpluwensyahan ng pakikibaka sa pagitan ng mga patrisyo, ang pagaangkin ng lupa ng Romanong aristokrasya, na kung sino ay sinaliksik ang kanilang lahi sa pagtatag ng Roma, at ang mga plebo, ang higit na mas maraming mamamayang karaniwang tao. Sa paglipas ng panahon, ang mga batas na nagbigay ng eksklusibong mga karapatan sa mga patrisyo sa pinakamataas na mga tanggapan ng Roma ay nabago o pinahinaan, na humantong sa mga plebong pamilya na maging ganap na kasapi ng aristokrasya. Ang mga pinuno ng Republika ay nakabuo ng isang malakas na tradisyon at moralidad na nangangailangan ng pampublikong serbisyo at pagtataguyod sa kapayapaan at digmaan, na gumawa ng hindi mapaghiwalay na ugnay sa militar at pampulitikang tagumpay. Marami sa ligal at lehislaibong istraktura ng Roma (mamaya isinabatas sa Justinianong Kodigo, at muli sa Napoleonikong Kodigo) ay maaari pa ring ma-obserbahan sa buong [[Europa]] at karamihan sa mundo sa modernong mga estadong bansa at internasyonal na mga organisasyon.
 
== Kasaysayang militar ==
Hindi nakikilalang mga tagagamit