Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Wikang Hapones"

walang buod ng pagbabago
Tatak: Binago sa mobile Pagbabago sa web gamit mobile
Tatak: Binago sa mobile Pagbabago sa web gamit mobile
{{Interwiki|code=jp}}
 
Ang '''wikang Hapón''' (Sulat-Hapón: 日本語 ''nihongo'' {{Literal translation|''wika ng [bansang] Hapón''}}, [[Wikang Ingles|Ingles]]: ''Japanese''), kilala rin bilang '''wikang Hapones, wikang Nihongo''' o sa lumang katawagan nitong '''wikang NipponggoNippongo''' (mula sa ''Nippon'', lumang pagsasaromano ng ''Nihon''), ay isang wika mula sa [[Silangang Asya]] na sinasalita ng tinatayang 128 milyong katao, karamihan sa bansang [[Hapon|Hapón]], kung saan ito ang [[pambansang wika]] nila. Kasapi ito sa pamilya ng mga wikang Haponiko (Ingles: ''Japonic'') o Hapones-Ryukyuano (Ingles: ''Japanese-Ryukyuan''). Pinagtatalunan pa rin ang relasyon nito sa mga karatig-wika nito tulad ng wikang [[Wikang Koreano|Koreano]]. Isinama ang mga wikang nasa pamilyang Haponiko sa iba pang mga pamilya ng wika tulad ng Ainu, Awstroasiatiko (Ingles: ''Austroasiatic''), at sa di na tinatanggap na pamilyang Altaiko (Ingles: ''Altaic''), ngunit wala sa mga panukalang ito ang nakakuha ng malawakang pagtanggap.
 
Kaunti lamang ang alam sa sinaunang kasaysayan ng naturang wika, o kahit maging kung kailan ito unang sinalita sa bansang Hapón. Nakatala sa mga dokumento mula Tsina noong ikatlong siglo ang ilang mga salitang Hapón, pero hindi sumulpot ang mga mahahalagang teksto hanggang noong ikawalong siglo. Noong panahon ng [[Heian]] (794-1185), may kalakihan ang impluwensiya ng wikang [[Wikang Mandarin|Tsino]] sa bokubularyo at ponolohiya ng Lumang Hapones. Kabilang sa mga pagbabagong nagawa sa kasagsagan ng Huling Gitnang Hapones ang pagbago ng ilang katampukang nagpalapit sa kasalukuyang wika, at ang pagpasok ng mga hiram na salita mula [[Europa]]. Lumipat ang pamantayang [[diyalekto]] mula sa rehiyon ng [[Rehiyon ng Kansai|Kansai]] patungo sa diyalekto ng rehiyon ng Edo (ngayo'y [[Tokyo]]) noong panahon ng Maagang Makabagong Hapones mula sa unang bahagi ng ika-17 hanggang sa kalagitnaan ng ika-19 na siglo. Matapos magbukas muli noong 1853 ang bansang Hapón mula sa pag-iisa nito, lalo pang dumami ang mga hiram na salita mula Europa na pumasok sa wika. Partikular na dumami ang mga salitang Ingles na hiniram, na kalauna'y sumibol bilang mga salitang Hapón na may salitang-ugat na galing sa Ingles.
3,401

edit