Wikang Hapones: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
Televido (usapan | ambag)
No edit summary
Tatak: Binago sa mobile Pagbabago sa web gamit mobile
Televido (usapan | ambag)
No edit summary
Tatak: Binago sa mobile Pagbabago sa web gamit mobile
Linya 32:
Kaunti lamang ang alam sa sinaunang kasaysayan ng naturang wika, o kahit maging kung kailan ito unang sinalita sa bansang Hapón. Nakatala sa mga dokumento mula Tsina noong ikatlong siglo ang ilang mga salitang Hapón, pero hindi sumulpot ang mga mahahalagang teksto hanggang noong ikawalong siglo. Noong panahon ng [[Heian]] (794-1185), may kalakihan ang impluwensiya ng wikang [[Wikang Mandarin|Tsino]] sa bokubularyo at ponolohiya ng Lumang Hapones. Kabilang sa mga pagbabagong nagawa sa kasagsagan ng Huling Gitnang Hapones ang pagbago ng ilang katampukang nagpalapit sa kasalukuyang wika, at ang pagpasok ng mga hiram na salita mula [[Europa]]. Lumipat ang pamantayang [[diyalekto]] mula sa rehiyon ng [[Rehiyon ng Kansai|Kansai]] patungo sa diyalekto ng rehiyon ng Edo (ngayo'y [[Tokyo]]) noong panahon ng Maagang Makabagong Hapones mula sa unang bahagi ng ika-17 hanggang sa kalagitnaan ng ika-19 na siglo. Matapos magbukas muli noong 1853 ang bansang Hapón mula sa pag-iisa nito, lalo pang dumami ang mga hiram na salita mula Europa na pumasok sa wika. Partikular na dumami ang mga salitang Ingles na hiniram, na kalauna'y sumibol bilang mga salitang Hapón na may salitang-ugat na galing sa Ingles.
 
Isang wikang pinapanlapian (Ingles: ''agglutinative language'') ang wikang Hapón. May tiyak na "bigat" ang bawat pantig nitong kilala bilang ''mora'', may simpleng ponotaktika (''phonotactics''), mga purong patinig, may pagpapahaba sa katinig at patinig, at isang mahalagang sistema ng diin sa katinisan (''pitch accent''). Sa mga pangungusap, madalas nauuna ang gumagawa ng kilos na sinundan ng tumatanggap ng kilos bago ang [[pandiwa]] (''SOV'', o ''subject-object-verb''). Minamarkahan ng mga pananda (''markers'') at pang-ugnay (''connectors'') ang gamit sa balarila ng mga salita. Nauuna ang paksa (''topic'') sa isang pangungusap nito kaysa sa komento (''comment''). Ginagamit naman ang mga pandulong pangatnig (''sentence-final particles'') para magbigay ng emosyon o diin sa sinasabi, o di kaya'y para magtanong. Walang kasarian ang mga [[pangngalan]] ni bilang, at wala itong mga [[artikulo]]. Pinapanlapian ang wikang Hapón, madalas para sa boses (''voice'') at sa aspeto (''aspect''), imbis—imbis sa oras (''tense''), pero—pero hindi sa kung sino ang nagsasalita (''person''). Pinapanlapian din ang mga kahalintulad ng [[pang-uri]] sa wikang Hapón. May komplikadong sistema ng kagalangan (kilala sa Ingles bilang ''honorifics'') kung saan nagbabago ang mga pandiwa at maging mga salitang ginagamit at ang ayos ng pangungusap base sa katayuan ng nagsasalita sa kinakausap niya.
 
Walang malinaw na relasyon ang wikang Hapón sa wikang [[Tsino]],<ref name=":0">{{cite book|title=Handbook to Life in Medieval and Early Modern Japan|first=William E.|last=Deal|publisher=Infobase Publishing|year=2005|isbn=978-0-8160-7485-3|page=242|quote=Japanese has no genetic affiliation with Chinese, but neither does it have any clear affiliation with any other language. (''Walang relasyong henetika ang [wikang] Hapón sa Tsino, at wala rin itong kahit anong malinaw na relasyon sa ibang mga wika.'')|url=https://books.google.com/books?id=OKr3XPabVQIC&pg=PA242|language=en|trans-title=''Handbook'' sa Buhay sa Gitna at Maagang Modernong Hapón}}</ref> subalit malimit itong gumagamit ng mga karakter sa sulat-Tsino, kilala sa tawag na ''kanji'' (漢字), sa pagsusulat. May malaking bahagi ng bokubularyo ang hiniram sa wikang Tsino. Maliban dito, may dalawa pang sistema ng pagsulat ang ginagamit: ang makurbang sulat-''hiragana'' (ひらがな o 平仮名) at ang matulis na sulat-''katakana'' (カタカナ o 片仮名). Limitado lamang ang paggamit ng sulat-Latin. Ginagamit parehas ng wikang Hapón ang sistema ng pagbilang ng Arabo (1, 2, 3, ...) at Tsino (一, 二, 三, ...).