Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Muling pagkabuhay"

→‎Muling pagkabuhay: Inayos ang pagbabaybay
(→‎Muling pagkabuhay: Inayos ang pagbabaybay)
Tatak: Binago sa mobile Pagbabago gamit mobile app Android app edit
 
Ang '''muling pagkabuhay''' o '''resureksyon''' ay ang pagbabalik na may [[buhay]] pagkaraang mamatay.<ref name=Biblia6>{{cite-Biblia6|''Resurrection''}}, ''Dictionary/Concordance'', pahina B10.</ref> Maaari rin itong tumukoy sa '''pagbabalik sa isang dating gawain, silbi o gamit''' ng isang ng isang tao, nilalang, o bagay. Katumbas din ito ng '''muling pagsilang'''. Sa [[Kristiyanismo]] at [[Hudaismo]], kaugnay ito ng '''muling pagkabuhay ni Hesuskristo''' at ng '''pagkabuhay ng mga patay sa Araw ng Paghuhukom'''.<ref name=Gaboy>{{cite-Gaboy|''Resurrection''}}</ref> Bilang apelyido sa buong pangalan ng tao, binabaybay itong ''[[:es:Resurreccion|Resurrecion]]'' na hango mula sa [[salitang Kastila]]ng ''resurección'' para sa "pagkabuhay na mag-uli" ng [[katawan ng tao|katawan]].
 
Sa Katolisismo, Kristiyanismo, at Hudaismo, batay sa [[Bibliya]], ang muling pagkabuhay ni Hesus ang susi ng tagumpay laban sa [[kamatayan]]. Dumating ang kamatayan sa mundo dahil sa mga kasalanan ng tao, ngunit iniangat ni Hesus ang mga tao mula sa kamatayan bilang isang tanda ng kapangyarihan ng Diyos sa ibabaw ng mga kasalanan. At dahil sa pagkabuhay na muli ni Hesus, nagkaroon ng bagong buhay ang mga tagasunod ni Hesus. Muli pa ring babangon ang mga tagasunod na ito ni Hesus, na may bagong mga katawan, kapag nagbalik na si Hesus sa mundo. Sa Huling Muling Pagkabuhay, babangon ang lahat ng mga tao upang husgahan ng Diyos.<ref name=Biblia6/> Tumataguri naman ang pariralang "unang muling pagkabuhay" sa ang pagbangon mula sa kasalanan na susundan ng pamumuhay sa biyayang nagpapabanal.<ref name=Biblia>{{cite-Biblia|}}, paliwanag kaugnay ng pariralang nasa isang taludtod ng ''Pahayag 20: 5'', pahina 1812.</ref>
 
==Muling pagkabuhay sa mitolohiya==
{{main|Diyos na namatay at nabuhay}}
35

edit