Usapang tagagamit:GinawaSaHapon: Pagkakaiba sa mga binago

Tatak: Reply Visual
 
Hello. May gusto lang sana akong ibahagi sa´yo kasi nakita ko na madalas ka nang nag-eedit sa mga lathalaing nakaayon sa Matematika at Agham. May mga karagdagang resources po ako para sa mga iyan na alam ko. Pwede niyo pong tingnan [[https://www.dropbox.com/s/wjo06nxye5xy4w6/MAUGNAYING%20TALASALITAAN.zip?dl=0|dito]]. Ito [[https://cjquines.com/files/talasalitaan.pdf|rin]] po na nakabatay sa naunang link. Ito naman po ayon sa [[http://pchrd.dost.gov.ph/index.php/news/6399-sampung-salitang-medikal-na-may-direktang-salin-sa-filipino|PH gov website]]. Nabasa ko po sa pahina niyo po na ang basehan niyo po ay ang diksiyonaryo.ph ngunit ikinababahala ko po na sapat ang impormasyon nito. Kahit na sinabing nakabase ito sa UP Diksiyonaryong Pilipino ni Ginoong Almario, hindi po sila nagkakaugnay nang tiningnan ko po. Maaari ko rin pong ipadala sa inyo ang isang pdf file ng mga litrato ng libro kung nanaisin niyo po (P.S. Puro at karamihan sa mga salita nito ay literal na Ingles :( . --[[Tagagamit:Kurigo|Kurigo]] ([[Usapang tagagamit:Kurigo|makipag-usap]]) 04:24, 28 Marso 2021 (UTC)
 
:Kamusta, @[[Tagagamit:Kurigo|Kurigo]]!
:Alam kong medyo kaduda-duda ang diksiyonaryo.ph since wala siyang staff list, atbp. Kaso lang, sa lahat ng mga nakita kong ''readily verifiable'' na site sa net, ito ang pinakakatiwa-tiwalang site para sa akin, since halos hawig siya sa UPDF. Sumasangguni rin ako sa iba pang mga site para lalong mapatibay ang mga sources (since mas marami, mas matibay para sakin). Kung wala talaga, literal kong isasalin yung termino sa Filipino ''muna'' bago ko isalin yon sa Kastila pa-Filipino. Kung may termino ang ibang wika sa Pinas, yun ang gagamitin ko (tulad ng ''dagup'' para sa ''sum'').
:Patungkol naman sa mga link na kinawing mo, di kasi ako tagahanga ng ''Maugnayin'' e. Puro kasi gumagawa sila ng mga bagong termino na kung tutuusin ay ma-eexpress na sa Filipino (hal. kung hindi ako mali, sila ang source ng ''sipnayan'', kahit na okey naman sa dila at sa ortograpiya ang salitang ''matematika''). Tapos, mga ''tongue twister'' yung iba pa nilang panukala. Alam kong opisyal yon, kaya gagamitin ko rin yon ''as alternative'' o minsan, ang mismong terminong gagamitin. Para sakin kasi, mas okey kung ang gagamiting salita sa mga ''specialized fields'' ay yung mga salitang ginagamit na sa normal na diskurso.
:Yung pangalawa, error 404. Tapos, yung sa gov website, hindi ako masyado pumapasok sa medical field since hindi ko yon talaga ''forte''. Sinasalin ko lang yung mga alam ko talaga yung aktwal na konsepto - anime, animasyon, pagpoprograma, at may kalakihang bahagi ng matematika at agham. Hanggat maaari kasi, gusto kong isalin yon sa normal na Filipino, yung madaling maintindihan, kaya kailangang alam ko rin yung mismong sinasalin ko.
:Para malinaw, ''hindi ako tagahanga'' ng ''Maugnayin'', pero di ibig sabihin na hindi ko yon gagamitin. Mas mataas ang ''precedence'' ng mga opisyal na libro kesa sa mga website, kaya mas mauuna pa rin yan kung magkatalo man. Salamat pala sa kopya, at pasensiya na sa ''wall of text''. [[Tagagamit:GinawaSaHapon|<span style="border-radius: 3px; background-color:#3366cc; color: white; font-weight: bold; padding: 5px;">GinawaSaHapon</span>]] <span style="font-size:85%;">('''[[Usapang tagagamit:GinawaSaHapon|usap tayo!]]''')</span> 05:40, 28 Marso 2021 (UTC)
4,085

edit