Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Kapuluang Maluku"

→‎Sa kasaysayan: Maramihang pagsasaaayos at pagdagdag na rin.
m
(→‎Sa kasaysayan: Maramihang pagsasaaayos at pagdagdag na rin.)
Tatak: Binago sa mobile Pagbabago sa web gamit mobile
Ang '''Kapuluang Maluku''' o '''Moluccas''' ay isang [[kapuluan]] sa [[Indonesia]], at bahagi na mas malaking rehiyon ng Tabing-dagat ng [[Timog-Silangang Asya]].
 
== Sa kasaysayan ==
 
===Kalakalan at agawan sa lupain ng pampalasa===
Ito ang hinahanap na kapuluan ni [[Ferdinand Magellan]] sa kanyang ekspidisyon. Ginawa nya ito upang mabigyan ng karangal ang Espanya at ang Hari doon.
 
Ang kapuluan ay nakilala noong ika-16 na siglo sa [[Europa]] bilang "kapuluan ng mga pampalasa" (Kastila: La Especiería; Portugés: Ilhas das Especiarias). Kung sa mga Kastila at Portugés, ay Portugés ang nakaaalam noon ng kinaroroonan ng kapuluang ito. Ninais madaig ng kaharian ng Kastila ang Portugal sa kalakalan ng mga pampalasa sa Europa upang ang kalakalan ay mapagmulan nila ng yaman.
 
Matapos maipagtabuyan ng Portugal ang pakiusap ng manlalayag na si [[Fernando de Magallanes]] patungkol sa kapuluan ng Maluku<!--Pakisaysay.--> ay iminungkahi niya sa [[Carlos II ng Espanya|Haring Carlos II ng España]] na hahanapin niya ang kapuluan na ang babagtasing daan ay pakanluran ng Europa. Nakarating ang kanyang samahan lulan ng mga panlakbay na bangka sa mga kapuluan ng [[Guam]] at ng tinatawag ngayong [[Pilipinas]]. Siya ay napatay sa [[labanan sa Mactan]] at hindi na nakaabot pa sa pagkahanap sa Maluku at, sa makatuwid, sa pagbalik sa España.
 
===Panahon ng mga pananakop mula Europa===
 
Sa panahon matapos maagaw ng mga Kastila ang ilang mahahalagang bayan sa [[Luzon]] ay noong taóng 1610, tinawag ng Tagalog na manunulat na si [[Tomas Pinpin|Tomás Pinpin]] ang kapuluan na "Maloco" (Maluku) at hindi "Molucas" na katawagan ng mga Kastila. Binanggit niya rin ang pagsama ng ilang [[lahing Tagalog|Tagalog]] at [[Kapampangan]] sa mga Kastila patungo sa kapuluang iyon. Ito ay isinaysay niya sa kanyang "[[Librong Pagaaralan nang manga Tagalog nang Uicang Castila]]".
 
{{quote|Di baquin ang mga tauong tagalog at ang mga capangpangang mangagsisama sa manga Castila doon sa ''Maloco'', di ang caralamhatian nang canilang loob, sa uala silang casamang Padreng sucat nilang pagcompisalang marunong magtagalog.}}
 
[[Kategorya:Mga pulo ng Indonesia]]
Hindi nakikilalang mga tagagamit