Imperyo: Pagkakaiba sa mga pagbabago

m
m (Kawing)
m (link globalisasyon using Find link)
Ang '''imperyo''' ay tinutukoy bilang "isang samahan ng mga bansa o mga tao na pinamamahalaan ng isang [[emperador]] o iba pang makapangyarihang pinuno o pamahalaan, ng karaniwan ay isang teritoryo na mas malawak ang saklaw sa isang kaharian, tulad ng dating [[Imperyong Britaniko]], [[Imperyong Pranses]], [[Imperyong Ruso]], [[Imperyong Bisantino]] o [[Imperyong Romano]]." Ang imperyo ay maaari ring buoin lamang ng mga magkakaratig na teritoryo tulad ng [[Imperyong Austria-Hungary]], o ng mga teritoryo na malayo sa inang-bayan, tulad ng isang kolonyal na imperyo.
 
Bukod sa mas pormal na paggamit, ang terminong "imperyo" ay maaari ring gamitin upang sumangguni sa isang malakihang negosyo (halimbawa; isang transnational na korporasyon), isang pampulitikang organisasyon na kinokontrol ng isang indibidwal (isang politikong puno) o isang grupo (politikong mga puno). Ang terminong "imperyo" ay nauugnay sa iba pang mga salita tulad ng imperyalismo, kolonyalismo, at [[globalisasyon]]. Ang imperyo ay madalas na ginagamit upang ilarawan ang isang pagayaw sa napakatinding sitwasyon. Ang mga epekto ng imperyalismo ay umiiral pa rin sa buong mundo hanggang ngayon.
 
[[Kategorya:Mga imperyo| ]]
11,651

edit