Otto von Bismarck: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
m →‎top: fix infobox using AWB
Glennznl (usapan | ambag)
 
Linya 49:
Si '''Otto Eduard Leopold''', '''Prinsipe ng Bismarck''', '''Duke ng Lauenburg''' (1 Abril 1815 – 30 Hulyo 1898), kilala bilang '''Otto von Bismarck''', ay isang konserbatibong [[Prusya|Prusong]] [[estadista]] na nangingibabaw sa mga gawaing Aleman at Europeo mula sa mga 1860 hanggang 1890. Noong mga 1860, siya ay naginhinyero ng isang serye ng mga digmaan na [[Pag-iisa ng Alemanya|nakapag-isa sa mga estadong Aleman]], makabuluhang at kusang hindi sinama ang [[Austria]], sa isang malakas na [[Imperyong Aleman]] sa ilalim ng Prusong pamumuno. Sa gayon na mga naganap nang 1871, kanyang mahusay na ginamit ang diplomasyang [[balanse ng kapangyarihan (ugnayang pandaigdigan)|balanse ng kapangyarihan]] upang mapanatili ang posisyon ng Alemanya sa isang Europa na kung saan, sa kabila ng maraming mga alitan at takot ng digmaan, ay nanatili sa kapayapaan. Para sa historyador na si [[Eric Hobsbawm]], si Bismarck ang "nanatiling itinuturing na kampeon ng mundo sa laro ng maraming panig na diplomatikong ahedres para sa halos dalawampung taon matapos ang 1871, [at] tinuon ang kanyang sarili eksklusibo, at matagumpay, sa pagpapanatili ng kapayapaan sa pagitan ng mga kapangyarihan."<ref>[[Eric Hobsbawm]], ''The Age of Empire: 1875–1914'' (1987), p. 312.</ref>
 
Noong 1862, inihalal ni Haring [[Wilhelm I]] si Bismarck bilang [[Pangulong Ministro ng Prusya]], isang posisyon na panghahawakan niya hanggang 1890 (mabilang sa isang maikling pagkatigil noong 1873). Kumilos siya ng tatlong maiikling, hindi mapag-aalinlanganan na mga digmaan laban sa [[Dinamarka]], [[Austria]], at [[Pransiya]], na naghanay ng mas maliit na mga estadong Aleman sa likod ng Prusya sa pagtalo nito sa Pransiya. Noong 1871, binuo niya ang Imperyong Aleman na ang kanyang sarili bilang Kansilyer, habang napanatili ang pagkontrol sa Prusya. Ang kanyang diplomasya ng ''[[realpolitik]]'' at malakas na panuntunan sa amang-bayan ay nagkamit sa kanya ng palayaw na "Kansilyer na Bakal." Ang pag-iisang Aleman at ang mabilis na pag-unlad ng ekonomiya ay ang pundasyon sa kanyang [[patakarang panlabas]]. Ayaw niya ang kolonyalismo ngunit atubili na nagtayo ng isang [[Imeryong kolonyal na Aleman|imperyong ibayong dagat]] noong ito ay hiniling ng parehong mga piling tao at opinyon ng masa. Napagsabaysabay ang isang napaka-komplikadong magkakakabit na serye ng mga kumperensya, mga negosasyon at mga alyansa, ginamit niya ang kanyang mga diplomatikong kasanayan upang mapanatili ang posisyon ng Alemanya at ginamit ang balanse ng kapangyarihan upang mapanatili ang kapayapaan ng Europa noong mga 1870 at mga 1880.
 
Isang dalubhasa ng mga kumplikadong politika sa bahay, nilikha ni Bismarck ang unang [[estadong pangkapakanan]] sa modernong mundo, na may layunin ng pagkakamit ng suporta ng klase ng mga nagtatrabaho na maaaring 'di kaya'y pumunta sa kanyang mga Sosyalistang kaaway.<ref>Steinberg, 2011, pp.8, 424, 444; Bismarck specifically referred to Socialists, among others, as "Enemies of the Reich".</ref>