Manuel Roxas: Pagkakaiba sa mga pagbabago

m
m (fix infobox using AWB)
Gayunpaman, si Roxas ay pinaghihinalaan ng mga Hapones na nakikipagtulungan sa mga gerilyang laban sa Hapon at nagsagawa ng lihim na paniniktik kay Roxas sa kabila ng kautusan ni Heneral [[Homma]] na malapit kay Roxas na itigil ang paniniktik nila kay Roxas.
 
Noong 1945, si Roxas kasama ng ibang mga kasapi ng gabinete ng Ikalawang Republika ay dinakip ni Heneral [[Douglas MacArthur]]. Si Roxas ay pinalaya, pinatawad at ibinalik ni MacArthur sa ranggong Brigadier Heneral sa General Headquarters ng Hukbong Amerikano sa Seksiyong Intelihensiya samantalang ang ibang nadakip na sina [[Jose Yulo]], [[Antonio delas Alas]], [[Quintin Paredes]] at [[Teofilo Sison]] ay ibinilanggo upang litisin dahil sa [[kolusyon|pakikipagsabwatan]] sa mga Hapones. Inangkin ni MacArthur na si Roxas ay inosente at tumulong sa kilusang gerilyang laban sa Hapon. Noong 1948, pinatawad ni Pangulong Roxas ang mga dinakip na sinasabing kasabwat ng mga Hapones.
 
Noong 1946 halalan ng pagkapangulo, hiniling ni Roxas ang suporta ng [[Hukbalahap]] (Hukbong Bayan Laban sa Hapon) ngunit dahil sa paniniwalang si Roxas ay nakipagtulungan sa mga Hapones at malapit na nauugnay sa mga mayayamang nagmamay-ari ng lupain, kanilang sinuportahan si [[Sergio Osmeña]]. Pagkatapos manalo ni Roxas sa halalan, noong 1948, kanyang inihayag ang parehong [[PKM]] at [[Hukbalahap]] na mga "ilegal na organisasyon" at inutos ang pagdakip ng mga kasapi nito dahil sa "pagpapabagsak ng pamahalaan sa pamamagitan ng dahas" at "pagtatatag ng kanilang sariling pamahalaan sa tulong ng dahas at takot".
11,637

edit