Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Lohika"

1 byte removed ,  5 month ago
Typo
m (Ibinalik ang mga pagbabago ni 180.191.138.43 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni 112.198.103.178)
(Typo)
Tatak: Binago sa mobile Pagbabago sa web gamit mobile
 
Ang '''lohika''' o '''matwiran''' ay ang [[pangangatwiran]] na ginagamit upang maabot ang katapusang pangungusap (konklusyon) mula sa hanay ng mga palagay. Sa mas pormal na kahulugan, isang pag-aaral ng mga palagay ang lohika—anglohikal-ang proseso kung saan nalilikha ang mga bagong pahayag mula sa mga napatunayan nang mga pahayag. Isang masalimuot na talakayan sa pagitan ng mga pilosopo ang pagbibigay ng eksaktong kahulugan sa “lohika.” Ngunit anuman ang batayang napili para sa pag-aaral ng lohika, ang mithiin ng mga tagapagtaguyod nito ay ang pagpapaunlad sa kakayanan ng tao na mapaghiwalay ang mga tumpak sa di-tumpak na pangangatwiran bilang gabay sa wastong pag-iisip. Ang salitang "lohika" ay mula sa lumang [[wikang Griyego|Griyego]] na λόγος (''logos''), na literal nitong kahulugan ay “ang salita” o “ang sinabi”, ngunit mas pinipili ang kahulugan nito bilang “kaisipan” o “katwiran”.
 
Sa likas nitong anyo, ang kayarian ng mga palagay ang nagkakaroon ng partikular na pansin—ang ''pormal'' na ugnayan sa pagitan ng bagong gawang mga pahayag at mga napatunayan nang pahayag, kung saan nangangahulugan ang "pormal" na malaya ang ugnayan mula sa pahayag nito mismo. Mahalaga ang pagsiyasat sa ''pagkakaroon ng batayan'' sa hakahaka, kasama ang mga iba't ibang posibleng kahulugan ng pagkakaroon ng batayan at praktikal na kondisyon sa kanyang kapasyahan. Sa ganitong paraan, nakikita na may mahalagang ginagampanan ang lohika sa [[epistemolohiya]] na nagbibigay ng mekanismo para sa pagpapalawig (ekstensiyon) ng [[kaalaman]].
Hindi nakikilalang mga tagagamit