Taoismo: Pagkakaiba sa mga pagbabago

136 bytes added ,  1 year ago
walang buod ng pagbabago
No edit summary
Tatak: Binago sa mobile Pagbabago sa web gamit mobile
No edit summary
[[Talaksan:Tao.svg|thumb|right|280px]]
 
Ang '''Taoismo''', mula sa [[Wikang Tsino|Tsinong]] '''Dàojiào''' [[wikt:道教|道教]] (binibigkas {{audio|zh-dào.ogg|'''dào'''}} {{audio|Zh-jiào.ogg|'''jiào'''}}), ay tumutukoy sa iba't ibang magkakaugnay na pang[[pilosopiya]] at pang[[relihiyon]] na mga dalawang libong taon at lumaganap sa Kanluran.<ref>Miller, James. ''Daoism: A Short Introduction'' (Oxford: Oneworld Publications, 2003), p. ix.</ref> Nangangahulugan ang salitang 道, ''[[Tao (Taoismo)|Tào]]'' (o ''Dào'', depende sa iskima ng [[romanisasyon]]) bilang "landas" o "daan," bagaman may mga ibang basal na kahulugan ito sa ibang pambayang relihiyong [[Tsina|Tsino]] at pilosopiya. Binibigyan din ng kagandahang-asal at [[etika]] ng Taoismo ang Tatlong Hiyas ng ''Dào'': pagkahabag, patitimpi, at kababaang-loob. Pangkalahatang nakatuon ang kaisipang Taoista sa [[kalikasan]], kaisahan ng mga tao-kosmos (天人相应), [[kalusugan]], mahabang [[buhay]], ''wú wéi'' (aksiyon sa pamamagitan ng walang aksiyon—o gumagawa nang di gumagawa), [[kalayaan]], kawalang-kamatayan at pagkakusang-loob.
 
Ang Pangalang Taoismo ay nagmula sa ''dào'', salitang Tsino na ang ibig sabihin “ang daan." Naniniwala ang Taoista na pinakamahalagang mamuhay sa natural na pamamaraan. Ang ''dào'' ay dapat umayon sa kalikasan. Ang mga paghihirap, pagdurusa, sakit at problema ng tao ay resulta ng hindi pagsunod sa paraan ng kalikasan. Ang ''dào'' ay maihahalintulad sa “isang bagay na walang [[hugis]] at [[porma]]." Ang mga karagatan at ilog ay kinalalagyan. Kaya makapangyarihan ang ''dào'' dahil mapagkumbaba ito. Ang ''dào'' rin ang nagbibigay ng puwersa sa lahat ng nilalang.
 
Simplisidad ang tema ng Taoismo. Ang Taoista ay dapat maging parang simpleng pirasong kahoy. Malimit itong [[kahoy]] ay [[metapora]] sa Taoismo. Dapat yumuko nang parang hinahanginang talahib. Huwag dapat pilitin ang di paraan ng kalikasan.
 
Ang mga limang [[elemento]] ay [[tubig]], [[apoy]], [[kahoy]], [[bakal]], at [[lupa]]. Ang mga nagkokorespond na [[kulay]] ay [[itim]]-[[asul]], [[pula]], [[berde]]-[[asul]], [[puti]], at [[dilaw]]. Importante ito sa alkimya[[alkimiya]] ng Intsik.
 
Ang "pagbalikbalik" ay importante sa Taoismo. Ang [[meditasyon]] ay may pinagbabalikan. Ang isip o katawan man ay bumabalik sa "pinanggalingan." Ang kalikasan ay "konstante." Kung di alam ang konstante ay katastrope ang magkakaroon.
 
Ang paniwala ng mga Taoista ay maraming kaluluwa ang nasa loob ng katawan. May konseptong Yin at Yang. Ang Yin ay maitim at makababaemaka[[babae]]. Ang Yang ay maputi at makalalakimaka[[lalaki]]. Sa konsepsiyon ng tao, nagkakaroon ng pitong Yin na kaluluwa na sasamahan ng tatlong Yang na kaluluwa sa pag-anakan. May eskuwela ng Taoismo na naniniwalang may mga 36 000 kaluluwang diyos sa bawat katawan ng tao at ang mga ito ay mikrokosmo na nagrereplek sa makrokosmo. May mga anitong mabait at may anitong [[demonyo]]. Ang ''Qì'' (o Tsi na [[Wikang Tagalog|tinatagalog]]) ay [[buhay]]-[[enerhiya]] o "hinga."
 
Ang Taoismo ay isang klaseng [[Animismo]], katulad ng [[Shinto]] ng [[Hapon]]. Ang Taoismo ay isang klaseng [[Diyos#Panteismo_at_Panenteismo|Panteismo]] rin.
 
== Tingnan Din ==
 
[[Shinto]]
 
[[Kategorya:Taoismo|*]]
[[Kategorya:Pilosopiya]]
 
 
{{stub|Relihiyon}}
Hindi nakikilalang mga tagagamit