Pagsisid sa ilalim ng dagat: Pagkakaiba sa mga binago

m
m (→‎top: clean up citations using AWB)
 
Ang '''pagsisid sa kailaliman ng dagat''' o '''pagsisid sa ilalim ng dagat''' (Ingles: ''deep-sea diving'', ''scuba diving'') ay isang uri ng [[pagsisid sa ilalim ng tubig]] kung kailan ang isang maninisid ay gumagamit ng [[scuba set|pangkat ng kasangkapang eskuba]] (''scuba set'') upang makahinga sa [[ilalim ng tubig]].<ref name=usn>{{cite book |title=US Navy Diving Manual, ika-6 na rebisyon |year=2006 |publisher=US Naval Sea Systems Command |location=United States |url=http://www.supsalv.org/00c3_publications.asp?destPage=00c3&pageID=3.9 |accessdate=24 Abril 2008 }}</ref>
 
Hindi katulad ng maagang anyo ng pagsisid sa ilalim ng dagat, na sumasalalay sa pagpigil ng hininga o sa [[surface-supplied diving|hangin na ibinubuga magmula sa ibabaw ng tubig]], ang mga maninisid na may eskuba o ''scuba'' ay mayroong dala-dalang sarili nilang napagkukunan ng [[breathing gas|gas na panghinga]] (na karaniwang [[compressed air|siniksik na hangin]]),<ref name=Brubakk>{{cite book |title=Bennett and Elliott's physiology and medicine of diving, 5th Rev ed |last=Brubakk |first=Alf O |author2=Neuman, Tom S |year=2003 |publisher=Saunders Ltd |location=United States |isbn=0-7020-2571-2 |page=800 }}</ref> na nagpapahintulot sa kanila na magkaroon ng mas malaking kalayaan sa paggalaw kaysa sa pamamagitan ng isang [[linya ng hangin]]. Kapwa nagpapahintulot sa mga maninisid ang pagsisid na mayroong hangin mula sa ibabaw ng tubig at ang pagsisid na de-eskuba na makapanatili sa ilalim ng tubig na kapaki-pakinabang na katagalan kaysa sa mga teknik ng [[apnea|pagpigil ng hininga]] na ginagamit sa [[free-diving|malayang pagsisid]].
 
Ang isang maninisid na may eskuba ay nakakagalaw sa paligid ng katubigan sa pamamagitan ng mga [[swimfin|palikpik na panlangoy]] na nakakabit sa kanilang mga paa, subalit maaaring bigyan siya ng panlabas na propulsiyon (pampaandar) sa pamamagitan ng isang [[diver propulsion vehicle|sasakyang pampaandar ng maninisid]], o ng isang paragos o kareta na hinihila mula sa ibabaw ng tubig.
12,349

edits