Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Silangang Indiyas ng Espanya"

m
(removed Category:Espanya using HotCat)
Unang narating ng mga Kastila sa ilalim ni [[Fernando de Magallanes]] ang Kapuluang Mariana noong Marso 6, 1521, bilang bahagi ng unang sirkumnabegasyon ng mundo. Pinangalanan ni Magallanes ang Guam at ang kalapit nitong mga pulo na "''Islas de los Ladrones''" (Kapuluan ng mga Magnanakaw) matapos nakawin ng mga katutubo roon ang karamihan ng kargada ng isa sa kanyang mga galyon (ang ''Trinidad''). Nagpatuloy pa-kanluran at narating ng ekspedisyon ang pulo ng [[Homonhon]] sa silangang Pilipinas noong Marso 16, nang may 150 katao lamang. Doon nagawa nilang makipag-usap sa mga katutubo sa pamamagitan ng kanilang interprete na si [[Enrique ng Malacca]], na nakaiintindi ng kanilang salita. Matapos nito, nagtungo sila sa [[Cebu]] kung saan bininyagan ng kapelyan ni Magallanes na si Pedro Valderrama sina [[Raha Humabon]] (ang hari roon), ang kanyang asawa, at ang kanilang mga pinamumunuan.
 
Hinikayat ng birey ng Bagong Espanya na si Antonio de Mendoza ang patuloy na paggalugad sa mga teritoryong ito upang mapaunlad ang pangangalakal sa pagitan ng Silangang Indiyas at ng Amerika patawid ng [[Karagatang Pasipiko]]. Dahil dito, pinaglayag nito si [[Ruy López de Villalobos]] sa Pilipinas mula 1542 hanggang 1543. Noong 1565, nagpunta si [[Miguel López de Legazpi]] mula Mehiko at itinatag ang unang bayang Kastila sa Pilipinas, na siyang magiging bayan ng San Miguel na kasalukuyang lungsod ng [[Lungsod ng Cebu|Cebu]]. Sa taon ding iyon, nakahanap si [[Andrés de Urdaneta]] ng isang rutang pandagat mula sa Pilipinas hanggang Mehiko na siyang nagdulot sa mahalagang [[Kalakalang Galeon|kalakalang galyon]] sa pagitan ng Maynila at Acapulco. Pagdating ng 1571, sinakop ng mga Kastila ang Maynila mula sa [[Brunei|Sultanato ng Brunei]] at ginawa itong kabisera ng Kapitanya Heneral ng Pilipinas. Pinamunuan ito, pati na ang mga teritoryo sa Asya na inangkin ng Espanya, ng Bireynato ng Bagong Espanya sa Lungsod ng Mehiko.
 
Naghatid ang mga galyong Maynila-Acapulco ng mga produktong mula sa Asya-Pasipiko at sa Amerika, tulad ng seda, espesya, pilak, ginto, at iba pang mga bagay mula sa Asya-Pasipiko, papuntang Mehiko. Ang mga produktong ito ay idinadala naman papuntang [[Lungsod ng Veracruz|Veracruz]] at ipinapadala papuntang Espanya at, sa pamamagitan ng kalakalan, sa kabuuan ng Europa. Hatid naman ng mga Espanyol-Mehikanong nabegador ang mga kaugalian, relihiyon, wika, pagkain, at kultura para sa Pilipinas, Guam, at Kapuluang Mariana.
11,425

edit