Pamilya ng wika: Pagkakaiba sa mga binago

walang buod ng pagbabago
m (Nilipat ni Jojit fb ang pahinang Mag-anak ng mga wika sa Pamilya ng wika mula sa redirect)
No edit summary
Ang isang '''pamilya ng wika''' ay isang pangkat ng mga [[wika]] na may kaugnayan sa pinagmulan nasa isang karaniwang ''ninunong wika'' o ''magulang na wika'', na tinatawag na proto-lengguwahe ng pamilyang iyon. Sinasalamin ng katawagang "pamilya" ang modelong puno ng pinagmulan ng wika sa makasaysayang [[lingguwistika]], na ginagawang itong [[talinghaga]] para sa mga tao sa isang pambiyolohiyang pamilyang puno, o sa isang sumunod na pagbabago, para sa mga [[espesye]] sa isang pilohenetikong puno ng ebolusyonaryong [[taksonomiya]]. Sa gayon, isinasalarawan ng mga lingguwista ang ''mga anak na wika'' sa loob ng isang pamilya ng wika bilang ''henetikong magkakaugnay''.<ref>{{cite book|first1=Bruce M. |last1=Rowe |first2=Diane P. |last2=Levine|title=A Concise Introduction to Linguistics|date=2015|publisher=Routledge|isbn=978-1317349280|pages=340–341|url=https://books.google.com/books?id=ePQ5CgAAQBAJ&pg=PA340|access-date=26 Enero 2017|language=en}}</ref>
 
Sang-ayon sa ''Ethnologue'', mayroong 7,139 buhay na wika ang tao na nakakalat sa 142 na iba't ibang pamilya ng wika.<ref>{{Cite web|title=How many languages are there in the world?|url=https://www.ethnologue.com/guides/how-many-languages|date=2016-05-03|website=Ethnologue|language=en|access-date=2021-03-26}}</ref><ref>{{Cite web|title=What are the largest language families?|url=https://www.ethnologue.com/guides/largest-families|date=2019-05-25|website=Ethnologue|language=en|access-date=2020-05-03}}</ref> Ang isang "buhay na wika" ay ang kasalukuyang ginagamit na pangunahing anyo ng [[komunikasyon]] ng isang pangkat ng tao. Marami din mga patay na wikia, o mga wika na wala nang buhay na katutubong tagapagsalita, at mga nalipol na wika, na wala ng inapong wika. Sa wakas, may ilang mga wika ang hindi sapat na napag-aralan upang iuri, at marahil, ilan sa kanila ang hindi alam kung umiiral sa labas ng kani-kanilang pamayanang salita.