Pamilya ng wika: Pagkakaiba sa mga binago

walang buod ng pagbabago
No edit summary
No edit summary
Ang isang '''pamilya ng wika''' ay isang pangkat ng mga [[wika]] na may kaugnayan sa pinagmulan sa isang karaniwang ''ninunong wika'' o ''magulang na wika'', na tinatawag na proto-lengguwahe ng pamilyang iyon. Sinasalamin ng katawagang "pamilya" ang modelong puno ng pinagmulan ng wika sa makasaysayang [[lingguwistika]], na ginagawang itong [[talinghaga]] para sa mga tao sa isang pambiyolohiyang pamilyang puno, o sa isang sumunod na pagbabago, para sa mga [[espesye]] sa isang pilohenetikong puno ng ebolusyonaryong [[taksonomiya]]. Sa gayon, isinasalarawan ng mga lingguwista ang ''mga anak na wika'' sa loob ng isang pamilya ng wika bilang ''henetikong magkakaugnay''.<ref>{{cite book|first1=Bruce M. |last1=Rowe |first2=Diane P. |last2=Levine|title=A Concise Introduction to Linguistics|date=2015|publisher=Routledge|isbn=978-1317349280|pages=340–341|url=https://books.google.com/books?id=ePQ5CgAAQBAJ&pg=PA340|access-date=26 Enero 2017|language=en}}</ref>
 
Sang-ayon sa ''Ethnologue'', mayroong 7,139 buhay na wika ang tao na nakakalat sa 142 na iba't ibang pamilya ng wika.<ref>{{Cite web|title=How many languages are there in the world?|url=https://www.ethnologue.com/guides/how-many-languages|date=2016-05-03|website=Ethnologue|language=en|access-date=2021-03-26}}</ref><ref>{{Cite web|title=What are the largest language families?|url=https://www.ethnologue.com/guides/largest-families|date=2019-05-25|website=Ethnologue|language=en|access-date=2020-05-03}}</ref> Ang isang "buhay na wika" ay ang kasalukuyang ginagamit na pangunahing anyo ng [[komunikasyon]] ng isang pangkat ng tao. Marami din mga patay na wikiawika, o mga wika na wala nang buhay na katutubong tagapagsalita, at mga nalipol na wika, na wala ng inapong wika. Sa wakas, may ilang mga wika ang hindi sapat na napag-aralan upang iuri, at marahil, ilan sa kanila ang hindi alam kung umiiral sa labas ng kani-kanilang pamayanang salita.
 
Naitatag ang pagkakasapi sa mga wika sa isang pamilya ng wika sa pamamagitan ng pananaliksik sa lingguwistikang paghahambing. "Henetikong" nagmula ang mga kapatid na wika sa isang karaniwang ninuno. Kabilang sa isang karaniwang pamayanang salita ang mga tagagpagsalita ng isang pamilya ng wika. Tipikal na nangyayari ang pagkakaiba-iba ng isang proto-lengguwahe sa mga anak ng wika sa pamamagitan ng paghihiwalay sa [[heograpiya]], na unti-unting nagbabago ang orihinal na pamayanang salita sa naiibang mga lingguwistikong yunit. Ang mga indibiduwal na kabilang sa ibang pamayanang salita ay maari din sundin ang mga wika mula sa isang ibang pamilya ng wika sa pamamagitan ng proseso ng paglipat ng wika.<ref>{{cite book|last1=Dimmendaal|first1=Gerrit J.|title=Historical Linguistics and the Comparative Study of African Languages|date=2011|publisher=John Benjamins Publishing|isbn=978-9027287229|page=336|url=https://books.google.com/books?id=e-PxyCpnnzEC&pg=PA336|access-date=26 Enero 2017|language=en}}</ref>