Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Reynang reynante"

walang buod ng pagbabago
Ang isang '''reynang reynante''' ay isang babaeng monarko, katumbas sa ranggo at titulo sa isang [[hari]], na namamayani sa kanyang sariling karapatan sa isang lupain na kilala bilang isang "[[kaharian]]"; taliwas sa isang [[reynang konsorte]], na asawa ng isang naghaharing hari; o sa isang reynang rehente, na ang tagapag-alaga ng isang batang monarko at namamayani ng pansamantala sa halip ng sa bata, maging {{Lang|la|[[de jure]]}} ito sa pagbabahagi ng kapangyarihan, o {{Lang|la|[[de facto]]}} sa pamamamayani sa sariling lamang. Isang '''prinsesang reynante''' ang isang babae na namamayani sa kanyang sariling karapatan sa isang prisipalidad; isang '''emperatris reynante''' ang isang babaeng monarko sa kanyang sariling karapatan sa isang "[[imperyo]]".
 
Hawak at napapatupadnagpapatupad ng isang reynang reynante ang soberanong kapangyarihan, samantalang binabahagi ng isang reynang konsorte ang ranggo at mga titulo ng kanyang esposo at anak. Tradisyunal na hindi binabahagi sa asawa o anak ng isang reynang reynante ang ranggo, titulo o soberanya. Bagaman, ang konsepto ng isang haring konserte o prinsipeng konserte ay hindi malayong mangyari sa parehong kontemporaryo at klasikong panahon.
 
Ang isang [[reynang biyuda]] o emperatris biyuda ay isang biyuda ng isang hari o emperador; ang isang [[inang reyna]] ay isang reynang biyuda na ina rin ng isang naghaharing soberano.