Likas na kapaligiran: Pagkakaiba sa mga pagbabago

walang buod ng pagbabago
(ginawan na lamang ng artikulo)
No edit summary
Ang '''likas na kapaligiran''' o '''likas na mundo''' ay sumasaklaw sa lahat ng [[buhay|nabubuhay]] at di-nabubuhay na mga bagay na likas na nangyayari, ibig sabihin, hindi artipisyal. Kadalasang nailalapat ang katawagan sa [[Daigdig]] o ilang bahagi ng Daigdig. Sumasaklaw ang kapaligiran na ito sa interaksyon ng lahat ng nabubuhay na [[espesye]], [[klima]], lagay ng panahon at [[likas na yaman]] na nakakaapekto sa kaligtasan at ekonomikong aktibidad ng tao.<ref>{{cite journal|last1=Johnson|first1=D. L.|first2=S. H.|last2=Ambrose|first3=T. J.|last3=Bassett|first4=M. L.|last4=Bowen|first5=D. E.|last5=Crummey|first6=J. S.|last6=Isaacson|first7=D. N.|last7=Johnson|first8=P.|last8=Lamb|first9=M.|last9=Saul|first10=A. E.|last10=Winter-Nelson|year=1997|title=Meanings of Environmental Terms|journal=Journal of Environmental Quality|volume=26|issue=3|pages=581–589|doi=10.2134/jeq1997.00472425002600030002x|language=en}}</ref>
Maaring ipagkaiba ang konsepto ng ''likas na kapaligiran'' bilang mga bahagi:
* Kumpletong mga yunit pang-[[ekolohiya]] na gumagana bilang mga likas na sistema na walang malaki at mabigat na pakikialam ng sibilisadong tao, kabilang ang lahat ng mga [[halaman]], [[mikroorganimsomikroorganismo]], [[lupa]], bato, [[atmospera]], at likas na pangyayari na nagaganap sa loob ng kanilang hangganan at ng kanilang kalikasan.
* Panlahat na mga likas na yaman at pisikal na pangyayari na walang malinaw na hanggaganan, tulad ng hangin, tubig, at klima, gayon din ang [[enerhiya]], [[radiyasyon]], [[karga ng kuryente]], at [[magnetismo]], na hindi nagmumula sa aksyon ng sibilisadong tao.