Likas na kapaligiran: Pagkakaiba sa mga pagbabago

walang buod ng pagbabago
No edit summary
No edit summary
Maaring ipagkaiba ang konsepto ng ''likas na kapaligiran'' bilang mga bahagi:
* Kumpletong mga yunit pang-[[ekolohiya]] na gumagana bilang mga likas na sistema na walang malaki at mabigat na pakikialam ng sibilisadong tao, kabilang ang lahat ng mga [[halaman]], [[mikroorganismo]], [[lupa]], bato, [[atmospera]], at likas na pangyayari na nagaganap sa loob ng kanilang hangganan at ng kanilang kalikasan.
* Panlahat na mga likas na yaman at pisikal na pangyayari na walang malinaw na hanggagananhangganan, tulad ng hangin, tubig, at klima, gayon din ang [[enerhiya]], [[radiyasyon]], [[karga ng kuryente]], at [[magnetismo]], na hindi nagmumula sa aksyon ng sibilisadong tao.
 
Kabaligtaran ng likas na kapaligiran ang tinayong kapaligiran. Sa mga lugar na kung saan pundamental na binago ng mga tao ang tanawin tulad ng urbanong tagpuan at pagpalit ng lupain para sa [[agrikultura]], malaking nabago ang likas na kapaligiran sa isang pinapayak na kapaligirang pantao. Kahit ang mga gawa na mukhang hindi gaanong kalabisan, tulad ng pagtayo ng [[kubo]] gawa sa putik o isang sistemang potoboltaiko sa [[ilang]], nagiging artispisyal ang binagong kapaligiran. Bagaman maraming hayop ang gumagawa ng bagay upang magbigay ng mas mabuting kapaligiran para sa kanila, hindi ito gawa ng tao, dahil dito, ang mga dike ng [[kastor]], at mga punso ng [[anay]], ay sinasabing likas.