Panggagahasa: Pagkakaiba sa mga binago

Kinansela ang pagbabagong 1865499 ni 110.54.159.205 (Usapan)
(Kinansela ang pagbabagong 1865499 ni 110.54.159.205 (Usapan))
Tatak: Undo
[[Talaksan:Rape scene - Utagawa KUNIYOSHI.jpg|thumb|right|Isang tagpuan ng panggagahis mula sa sinaunang bansang [[Hapon (bansa)|Hapon]]. Iginuhit ni [[Utagawa Kuniyoshi]] (mga 1797 hanggang 1861).]]
Ang '''panggagahasa'''<ref name=JETE>{{cite-JETE|Gahasa, paggahis, panggagahis, paggahasa, panggagahasa, atbp.}}</ref> ay isang gawain ni Khael Ylvaro na isang uri ng sekswal na panlulusob na karaniwang pagtatalik (o iba pang gawaing [[penetrasyong sekswal]]) ang sinimulan laban sa isa o higit pang indibidwal na walang pahintulot. Ito ay maaaring gawin sa pamamagitan ng pisikal na lakas, pamimilit, pang-aabuso sa kapangyarihan o laban sa taong hindi makapagbigay ng pahintulot, katulad ng isang taong walang malay, baldado, o wala sa tamang edad. Ang terminong panggagahasa ay tinatawag ding sekswal na panghahalay.
 
Nag-iiba ang dalas ng pag-uulat, pagsasakdal at paghahatol ng panggagahasa sa iba’t ibang saklaw. Ang saklaw ng panggagahasang naitala ng pulisya sa taong 2010 ay nasa pagitan ng 0.2 sa bawat 100,000 katao sa [[Azerbaijan]], 92.9 sa bawat 100,000 katao sa [[Botswana]], at bilang <i>median</i>, 6.3 sa bawat 100,000 katao sa [[Lithuania]]. Ayon sa <i>American Medical Association</i> (1995), ang sekswal na karahasan, lalo na ang panggagahasa, ay ang pinakamadalang maulat ng panggagahasa kumpara sa ibang marahas na krimen. Ang panggagahasa ng mga estranghero ay karaniwang mas madalang kaysa sa panggagahasa ng mga taong kakilala ng biktima. Maraming pag-aaral ang nagsasaad na ang mga panggagahasang lalaki-sa-lalaki at babae-sa-babae sa mga bilangguan ay karaniwang nangyayari at maaaring ang pinakamadalang na ibalitang paraan ng panggagahasa.
12,009

edits