Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Silogismong pangkategorya"

m
walang buod ng pagbabago
m
m
 
* EIO-1
 
Maaari nating makuha ang iba pang tumpak na anyo sa iba pang mga paraan. Isang paraan ay ang [[Venndiagramang diagramVenn]]. Dahil mayroong tatlong paksa, iguguhit natin ang tatlong bilog na may kapwa-sakop bilang sagisag ng mga pangkat. Una, bubuuin natin ang bilog para sa pangunahing paksa. Katabi nito, na may kapwa-sakop, ang nakapailalim na paksa. Sa ilalim naman ang panggitnang paksa. Dapat na may kapwa-sakop sa tatlong bahagi ng diyagrama: sa pangunahing paksa, sa nakapailalim na paksa at sa kapwa-sakop ng pangunahin at nakapailalim na paksa. Kung tumpak ang silogismo, kailangan na ang katotohanan ng katapusang pangungusap ay maipapakita sa diyagrama ng mga palagay. hindi dapat iguhit ang katapusang pangungusap, dahil nagmumula sa mga palagay ang
katapusang pangungusap. Dapat na maunang iguhit ang pangkalahatang palagay. Magagawa ito sa pagdidiin-kulay kung saan ang isang pangkat ay walang sangkap sa kabilang pangkat. Ibig sabihin, may diin-kulay ang hindi kasali sa isang pangkat. Kaya sa palagay na "Lahat ng A ay B", may diin-kulay ang lahat ng bahagi na kung saan walang nilalamang A na kapwa-sakop ng B, pati na rin sa bahagi na sakop ng K. Ganoon din ang kailangang gawin para sa ikalawang palagay. Mula sa dalawang palagay na ito, maikakatwiran natin na lahat ng kasapi sa pangkat na K ay kasali din sa pangkat na B. Ngunit hindi natin masasabi na na lahat ng kasapi sa pangkat na B ay kasali sa pangkat na K. Totoo lamang ito sa iisang direksiyon.
 
11,202

edit