Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Hatimbilang"

m
walang buod ng pagbabago
m (Inilipat ni Tagasalinero ang pahinang Praksiyon papunta sa Hatimbilang: Inilipat sa katutubong salita ng praksiyon)
m
 
[[Talaksan:Cake quarters.svg|thumb|Hinati ang isang keyk sa apat na magkakatumbas na bahagi. Kinain ang 1/4 o isa sa apat na bahagi ng keyk. Hindi kinain ang 3/4 o tatlo sa apat na bahagi ng keyk.]]
Ang '''hatimbilang'''{{fact}} o '''praksiyon''' ay kumakatawan sa isang bahagi ng buo o, higit sa pangkalahatan, anumang bilang na may magkatumbas na bahagi. Kapag sinasalita ito sa pang-araw-araw na Tagalog, inilalarawan ng isang hatimbilang kung iilan ang bahagi ng isang dami, halimbawa, kalahati, walong-kalima, tatlong-kapat. Ang ''karaniwang,'' ''bulgar'', o ''payak na'' hatimbilang (halimbawa: <math>\tfrac{1}{2}</math>and <math>\tfrac{17}{3}</math>) ay binubuo ng isang [[Integer|buumbilang]] na panakda na ipinapakita sa ibabaw ng isang linya (o bago ang isang palihis na guhit), at isang di-sero na buumbilang na pamahagi na ipinapakita sa ilalim (o pagkatapos) ng linyang iyon. Ginagamit din ang mga panakda at pamahagi sa mga hatimbilang na hindi ''karaniwan'', katulad ng mga langkaping hatimbilang, hugnay na hatimbilang, at mga halo-halong numero.
 
Magsisimula tayo sa positibong karaniwang hatimbilang, kung saan [[likas na bilang]] ang panakda at pamahagi. Kumakatawan ang panakda sa isang bilang ng magkatumbas na bahagi, at ipinapahiwatig ng pamahagi kung iilan ng mga bahaging iyon ay bumubuo sa isang yunit o kabuuan. Hindi maaaring sero ang pamahagi dahil hindi kailanman makababahagi ang serong bahagi sa isang kabuuan. Bilang halimbawa, sa hatimbilang na 3/4, nagpapaalam sa atin ang panakda, 3, na kumakatawan ang hatimbilang sa 3 magkatumbas na bahagi, at ang pamahaging 4, ay nagpapaalam sa atin na bumubuo ang 4 na bahagi sa isang kabuuan. Inilalarawan ng litrato sa kanan ang <math>\tfrac{3}{4}</math> o {{frac|3|4}} ng isang keyk.