Death Note: Pagkakaiba sa mga pagbabago

52 byte removed ,  9 months ago
walang buod ng pagbabago
No edit summary
Tatak: Binago sa mobile Pagbabago sa web gamit mobile
No edit summary
Tatak: Binago sa mobile Pagbabago sa web gamit mobile
 
== Pangunahing tauhan ==
'''Light Yagami''' - Si Yagami Light ay isang kahusayan [[estudyante]] sa [[mataas na paaralan]] mula sa [[Tokyo]], [[Hapon]] at ang pangunahing tauhan ng '''Death Note''' ng ito ay matagpuan niya sa kanyang paaralan. Ginamit niya ang Death Note upang mawala ang bahid ng kasamaan sa mundo sa pamamagitan ng pagpatay ng mga kriminal at mga masasamang loob. Dahil dito nakilala siya sa pangalang '''Kira''' (hiniram mula sa [[Wikang Ingles|Ingles]] ''killer'') at kinatakutan ng mga nakararami.
 
Si ''Light'' ay kilala bilang isang matalinong magaaral ngunit siya'y nababagot sa mga kaganapan sa kanyang buhay. Siya ay naiinis sa mundo sa kawalan ng hustisya ng mga tao. Sa paniniwalang ang mundo ay 'bulok' sa sistema at mga kaganapan ginamit niya ang ''Death Note'' upang malinis niya ang kasamaang pumapalibot sa mundo sa pamamagitan ng pagpatay sa mga kriminal. Higit sa lahat, ninais niyang maging '''Diyos''' sa kanyang bagong mundo. Kalaunan ang Light ay tinawag ng publiko bilang '''Kira''' (hiniram mula sa [[Wikang Ingles|Ingles]] ''killer'')
 
'''L''' - Si '''L''' ay isang super detective na tumutugis upang hulihin si Kira. Maliit at Payat ang pangangatawan at naka baluktot na postura ang unang mapapansin kay '''L'''. Bukod dito, si L ay makikitaan din ng malaking ''eye bags'' dala na rin ng kakulangan ng Tulog. Lagi niyang suot suot ang puting ''long sleeves'' at pantalon. Madalas siyang naglalakad ng walang suot na sapatos at palaging naka paa lamang. Si L ang tipo ng tao kung saan hindi agad agad siya nag titiwala kaninuman maliban na lang sa kanyang kasamahang nagngangalang ''Watari'' na umampon sa kanya noong siya'y bata pa. Lingid sa kaalaman ng nakararami si L ay napakatalino. Patibay dito ay ang respeto ni Kira sa kanyang katalinuhan at pagkilala sa kanya na pinaka matibay na kanyang nakaaway. Sa murang edad ay marami na siyang na resolbang mga kaso sa buong mundo ngunit kakaunti lamang ang nkakakilala sa kanya.