Patricio ng Irlanda: Pagkakaiba sa mga pagbabago

Rescuing 1 sources and tagging 0 as dead.) #IABot (v2.0.8
m (→‎Sanggunian: clean up, rm {{Link FA}}, {{Link GA}} using AWB)
(Rescuing 1 sources and tagging 0 as dead.) #IABot (v2.0.8)
 
Si '''San Patricio''' ([[wikang Ingles|Ingles]]: ''Saint Patrick'', {{lang-la|Patricius}}<ref>Brown, pp. 51</ref>, [[wikang Irlandes|Irlandes]]: ''Naomh Pádraig'') ay isang [[Kristiyanong]] [[Romanong Britanya|Romano Britanikong]] misyonero at pintakasing santo ng [[Irlanda]] na kahanay nina [[Brigid ng Kildare]] at [[Columba]]. Noong labing-anim na taong gulang siya, nabihag siya ng mga mananalakay na mga Irlandes at inalipin sa Irlanda, kung saan namuhay siya ng anim na taon bago makatakas at makabalik sa kaniyang mag-anak. Pumasok siya sa simbahan, katulad rin ng ginawa ng kaniyang ama at lolo, naging [[diyakuno]] at isang [[obispo]]. Nagbalik siya sa Irlanda bilang isang misyonero sa hilaga at kanluran ng pulo, subalit kaunti lamang ang nalalaman hinggil sa mga pook kung saan siya nagsagawa ng mga gawaing pangmisyonero, at walang ugnay na magawa sa pagitan ni Patricio at ng anumang simbahan. Sa pagsapit ng ika-8 daantaon, naging santong patron siya ng Irlanda. Sinilang at umunlad ang sistema ng monasteryong Irlandes pagkaraan ng panahon ni Patricio at hindi pinainam ng simbahang Irlandes ang huwarang dioyesis na sinubok ilunsad ni Patricio at iba pang mga sinaunang mga misyonero.
 
Hindi matukoy ng may katiyakan ng mga nahagilap na katawan ng mga ebidensiya ang mga petsa sa buhay ni Patricio, subalit naipapakitang aktibo siya bilang isang misyonero sa Irlanda noong mga pangalawang hati ng ika-5 daantaon. May dalawang na nagbuhat mula sa kaniya ang nailigtas sa pagkasira, kasama ng sumunod na mga [[hagiograpiya]] mula noong ika-7 daantaon pataas. Marami sa mga akdang ito ang hindi matanggap bilang mga awtentikong tradisyon. Mula sa hindi mapanuring pagtanggap ng ''Taunang Tala ng Kasaysayan ni Ulster''<ref name=Bansa>[http://www.bansa.org/dictionaries/tgl/?dict_lang=tgl&type=search&data=annals "Annals," mga kasaysayang nangyayari sa taón-taón] {{Webarchive|url=https://web.archive.org/web/20160306040215/http://www.bansa.org/dictionaries/tgl/?dict_lang=tgl&type=search&data=annals |date=2016-03-06 }}, Tagalog English Dictionary, Bansa.org</ref> (Ingles: ''[[Annals of Ulster]]'') ang nagpapahiwatig na namuhay sa Patricio mula 378 hanggang 493, at nagturo ng pananampalataya sa hilagang Irlanda ng makabagong panahon mula 433 pataas.
 
== Sanggunian ==